Showbiz News

Paolo Contis at Alessandra de Rossi, nakatanggap ng positive reviews sa 'Through Night and Day'

By Maine Aquino

Umani ng papuri sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi para sa kanilang pelikulang Through Night and Day.

Ang ilan sa mga naunang nakapanood ng pelikula ay na-impress sa performance nina Paolo at Alessandra, sa istorya at pati na rin sa kanilang mga linyang binitawan sa Through Night and Day.

WATCH: Official trailer of Paolo Contis-Alessandra de Rossi movie 'Through Night and Day'

Ngayong November 14 ipapalabas ang Through Night and Day sa mga sinehan.