Showbiz News

READ: Solenn Heussaff on switching networks: 'GMA for life ako.'

By Maine Aquino

"No. GMA for life ako."

Ito ang naging mabilis na sagot ni Solenn Heussaff nang tanungin kung may offers siyang natatanggap mula sa ibang network.

Nakausap ng entertainment reporters si Solenn sa Cain at Abel media launch kagabi, November 13.

Para kay Solenn, masaya siya bilang isang Kapuso at nananatili ang kaniyang loyalty sa GMA Network dahil sa mga tulong na ibinigay sa kanyang career.

"I'm happy sa GMA,” sabi niya.

“Well, because they're the ones who discovered me and they're the ones who's been training me.

“'Tapos, I really get along with everyone here in this network.

“May mga friends din ako sa kabilang network, but I am happy here."


Ibinahagi rin ni Solenn na going to eight years na siyang Kapuso.

Dito nagsimula ang pabirong tanong ng reporters kung ano ang kaniyang gagawin kapag sinabihan siya ng kanyang manager na si Leo V. Dominguez na lumipat siya ng network.

"Sabihin ko kay Leo, no," natatawang sagot ni Solenn.

Dagdag niya, "I'm happy here and for now, dito 'yung work ko, so happy ako dito."

Napapanood ngayon si Solenn sa weekly lifestyle show na Taste Buddies sa GMA News TV.

Simula naman sa November 19, mapapanood na rin siya sa bagong action-drama series na Cain at Abel sa GMA Telebabad.