Showbiz News

Ika-5 Utos: Eloisa, aaminin ang pagbubuntis kay Emil

By Felix Ilaya

Nais ipaalam ni Eloisa (Jean Garcia) kay Emil (Tonton Gutierrez) na ipinagbubuntis niya ang kanilang anak kaya't maghahanap ito ng paraan upang makausap si Emil.

Ngunit nakabakod na si Clarisse (Valerie Concepcion) kay Emil kaya't mahihirapan nang makalapit si Eloisa sa kaniya.

Panoorin ang eksenang ito sa Ika-5 Utos: