Showbiz News

Ano ang wish ni Baby Zia sa kanyang 3rd birthday?

Sa interview ni Kapuso Primetime Queen sa cooking demo ng Mega Prime Mom Club sa Quezon City nitong Sabado, Nobyembre 17, inihayag niya ang plano nila ni Dingdong Dantes para sa 3rd birthday ni Baby Zia.

"Walang party 'yung anak ko. Kasi tinanong ko 'yung anak ko eh, sabi ko nga, in fairness dito sa anak ko, sabi ko 'Anak gusto mo ba sa birthday mo magpa-party tayo with your classmates? Tapos magpi-princess?' kasi mahilig siya sa mga princess," kuwento ni Marian.

"Sabi niya 'No mama, I just want to go to Disneyland.'"

Sa Tokyo Disneyland raw nila dadalin ang kanilang unica hija.

"First time ni Zia kasi [sa Disneyland]. Mahilig kasi siya sa mga ganu'n eh (Disney princess). Gusto rin niya [ang] Frozen, gusto niya si Pinocchio, ang dami. Si Shrek. Basta ang dami-dami niyang gustong makita talaga."

Inamin din ni Marian na katulad ni Zia, excited din siya sa trip na ito.

"First time ko rin sa Disneyland Tokyo. So hindi ko rin alam kung sino ang makikita ko du'n," ang nakangiting kuwento ng aktres.