Showbiz News

WATCH: Kris Bernal's reaction upon seeing her StarStruck batchmate Jesi Corcuera

By Gia Allana Soriano

Halos hindi na nakilala ni Kris Bernal ang Starstruck batchmate niyang si Jesi Corcuera nang magkita sila sa Puerto Princesa, Palawan, kamakailan.

Nagkataong nasa parehong lugar ang dalawang Starstruck alumni dahil dumalo sila sa Subaraw Festival.


Sa bagong vlog ng former Starstruck hopeful na si Jesi, inilarawan niya ang muling pagkikita nila ng Asawa Ko, Karibal Ko lead actress bilang “awkward moment.”

Una niyang nakita ang ka-batch niyang si Kris na nasa float ng GMA para sa gagawing parada.

Sabi ni Jesi, “Titingnan ko kung makilala pa niya ako. Bising-busy siya, e.”

Noong una, kumaway lang kay Jesi at kaniyang grupo si Kris, na akala ay fans na tumawag sa kaniya.

Nang sabihin kay Kris na si Jesi ang tumawag, buong gulat na sabi ng una, “Ikaw ba 'yan?! Hindi kita namukhaan!”

Natatawang sagot naman ni Jesi, “Ganun talaga siyempre, binata na ako, e.”

Inanyayahan ng Kapuso actress si Jesi na samahan sila sa float, pero tumanggi ang huli.

Sabi lang niya, “Nandito ako para sa'yo, suportahan kita.”

Taong 2016 nang lumantad si Jesi bilang isang transman.

Ngayon, isa siya sa mga kilalang vlogger sa YouTube.

Kasama nina Kris at Jesi sa fourth season ng reality talent search show na Starstruck: The Next Level sina Jewel Mische, Aljur Abrenica, Mart Escudero, Rich Asuncion, Prince Stefan, Paulo Avelino, Chariz Colomon, at iba pa.

EMBED: https://www.instagram.com/p/BqCf9lelURg

Panoorin ang vlog ni Jesi rito: