advertisement
Showbiz News

Then and Now: Kim delos Santos

1 of 13

Friends

Paminsan-minsan ay nakakausap ni Kim ang "T.G.I.S." batchmate at "Little Nanay" star na si Sunshine Dizon, pati na rin ang iba pang mga kaibigang nakasabay niya sa "That’s Entertainment."

1 of 13

Opportunity

Hindi pa rin nakakalimutan ni Kim ang buhay artista kaya bukas pa rin siya kung sakaling may oportunidad, Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Kim na “If [it’s] God's will na bumalik ako, why not? Nakaka-miss din.”

1 of 13

Kids

Siguradong mamamana ng mga magiging anak ng dating teen star na si Kim ang kanyang angking ganda. Sinabi ni Kim sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com na papayagan niyang pumasok ng showbiz ang kanyang mga magiging anak kapag nakapagtapos na sila ng pag-aaral.

advertisement
1 of 13

Baby

Malapit ang loob ni Kim sa mga bata kung kayat naghahangad na rin siyang magkaanak.

1 of 13

Fiancé

May plano nang magpakasal si Kim at ang nobyong si Ben-G sa Sept. 16 ng kasalukuyang taon subalit hindi pa ito sigurado. Baka kasi masukob sila ng kuya ng kanyang fiancé na magpapakasal rin ngayong taon. Plano rin ni Kim at Ben-G Manaois na magbakasyon sa bansa sa susunod na taon.

1 of 13

Wedding

Umuwi ng bansa si Kim noong Nobyembre 2011 para dumalo sa kasal ng kanayang matalik na kaibigang si Aya Dantes, ang kapatid ng kanyang ‘T.G.I.S.’ co-star na si Dingdong.

advertisement
1 of 13

Hobbies

Muling nakapiling ni Kim ang kanyang pamilya at naranasan niyang mamuhay nang tahimik, malayo sa intriga ng showbiz. Naging libangan ni Kim ang panunuod ng mga pelikula, shopping at pamamasyal ng aso sa park. Naisip niya ring magluto ulit at pumunta ng gym.

1 of 13

Nurse

Nang maghiwalay ang dating 'T.G.I.S' love team na si Dino at Kim noong 2005, nagpasya si Kim na iwanan ang kanyang showbiz career at lumipad patungong New Jersey, U.S.A. kung saan siya ay naging dialysis nurse. Sa kasalukuyan, siya ay nakatira sa Sugar Land, Texas.

1 of 13

Dino

Nakapareha niya ang dating matinee idol at ‘Buena Familia’ actor na si Dino Guevarra. Humantong ang kanilang relasyon sa altar ngunit nauwi ito sa isang annulment noong 2010. Kahit si Kim ang nagsilbing ina sa anak ni Dino sa dating karelasyon, hindi sila nabiyayaan ng anak.

advertisement
1 of 13

TGIS

Naging parte siya ng hit youth-oriented drama na ‘T. G. I S. (Thank God It’s Sabado)’ bilang si “Tere Gonzaga”.

1 of 13

Throwback

Naaalala niyo pa ba ang dating teen star na si Kim delos Santos?

15 of 13

Eat Bulaga

Super star then meets superstar now. Kamakailan lamang ay bumisita si Kim sa longest-running noontime show at doon ay personal siyang nakilala ng phenomenal star na si Maine Mendoza. Umamin pa si Meng na fan talaga siya ng 90's idol.

advertisement