Showbiz News

LOOK: Mike Enriquez returns to 24 Oras

By Gia Allana Soriano

Pagkatapos ng halos tatlong buwan na medical leave, nagbalik na ang veteran broadcaster na si Mike Enriquez sa evening news program ng GMA, ang 24 Oras.


Sa naunang panayam ng GMA News, nabanggit ni Mike na maraming nagbigay ng magagandang mensahe tungkol sa kaniyang pagbabalik.

“Nakakataba ng puso,” aniya.

Bilang tugon, sabi ni Mike, “Sabi nila, 'We miss you.' Ang mensahe ko naman sa kanila, kung na-miss n'yo 'ko, one hundred times, mas higit na na miss ko kayo.”

Bago ang 24 Oras, naunang nagbalik si Mike sa pagho-host sa radio show niyang “Super Balita sa Umaga” sa dzBB.

LOOK: Mike Enriquez returns to hosting 'Super Balita sa Umaga'

Ang veteran news anchor ay nag-medical leave dahil sa pagpapagamot sa kanyang kidney disease at para sa kanyang heart bypass surgery.