advertisement
Showbiz News

Simpleng buhay ng mga sikat sa likod ng kamera

34 of 57

Glaiza de Castro

Walang arte si Glaiza de Castro sa kinakain niya. Kitang kita ang excitement ng aktres habang hinihintay ang kanyang order na chicken siomai kahit nasa kalye lang nakapuwesto ang binibilhan niyang tindahan.

1 of 57

Diana Zubiri

Time out muna sa taping ng 'Dragon Lady' ang Kapuso actress na si Diana Zubiri para magmeryenda.

2 of 57

James Blanco

Sinubukan din ni 'Dragon Lady' actor James Blanco magluto ng paboritong street food ng mga Pinoy.

advertisement
3 of 57

Ryan Agoncillo

Wala namang keme na kumain si Eat Bulaga dabarkad ng street foods.

4 of 57

JLC

Kapamilya actor John Lloyd Cruz was spotted in Quezon City last October 9 riding a jeepney with a UP Ikot route.

6 of 57

Alden Richards

Walang kaso kay Alden Richards ang layo, pagod o hirap para ibahagi ang kanyang mga natatanggap na blessings. Ilang taon nang gumagawa ng outreach activities at charity work ang Pambansang Bae tuwing kaarawan niya. Noong 2015 ay tumulong siya sa Habitat for Humanity at binisita ang isang fan na may karamdaman. Nitong 2016 naman ay pinili niyang makasama ang mga Aeta ng Bamban, Tarlac para sa kanyang birthday.

advertisement
7 of 57

Wally Bayola

Hindi lumaki sa layaw si Wally Bayola. Kaya naman, hindi na iba sa kanya ang mga gawaing bahay kasama na ang pagwawalis ng kanilang bakuran. Sa tunay na buhay ay straight si Wally. Ginamit niya ang kanyang talento sa pagpapatawa at pag-arte bilang bakla para kumita ng pera. Sa kabila ng kanyang kasikatan, patuloy ang pagsisikap ng Lola Nidora star para sa kanyang pamilya, lalo na para sa anak niya na may rare case ng leukemia.

8 of 57

Manny Pacquiao

Kahit malaki na ang iniunlad sa buhay ng boxing champ at ngayo'y senador na si Manny Pacquiao, simple pa rin ang kanyang mga pagkain. Minsan ay nagkakamay pa siya.

9 of 57

Paolo Ballesteros

Hindi pihikan si dabarkad Paolo Ballesteros pagdating sa kanyang kakainan. Kahit sa tabi ng kalsada tulad ng karinderya sa litrato ay game siyang kumain ng mami, goto at barbecue.

advertisement
10 of 57

Maine Mendoza

Naalala niyo pa ba ang Haw-Haw at Mik-Mik? Paborito 'yan ni Maine Mendoza. Bukod sa isaw na madalas dalhin ng ka-love team na si Alden Richards, ang Haw-Haw at Mik-Mik ay hilig ding papakin ni Maine.

11 of 57

 Kylie Padilla and Baby Alas 

Imbes na sa marangyang bathtub, paminsan-minsan ay naliligo ang anak ni Kylie Padilla na si Alas sa batya. Wika ni Kylie sa kanyang Instagram post, "This was our Sunday bonding play and bath time a while ago."

12 of 57

Kris Aquino

Nang magbakasyon sa Hawaii sina Kris Aquino ay bakasyon din muna sa trabaho ang kanyang mga kasambahay. Si Kris ang naghugas muna ng kanilang mga pinagkainan.

advertisement
13 of 57

Bianca Gonzales

Isang ready-to-wear gown ang piniling isuot ni Kapamilya star Bianca Gonzales para sa kanilang kasal ng professional basketball player na si JC Intal. Siya rin ang gumawa ng kanyang makeup para sa espesyal na okasyon. 

14 of 57

Kitchie Nadal

Former Mojofly vocalist Kitchie Nadal chose to wear a P799 bridal gown for her wedding. Ayon sa report ng 24 Oras, simple at intimate ang naging wedding ng singer-songwriter na si Kitchie noong February 26, 2015. Sinaksihan ang autumn-themed ng 15 bisita na pawang mga miyembro lang ng kanilang pamilya at ng kanyang asawang Spanish-journalist at NGO worker na si Carlos Lopez.

15 of 57

Willie Revillame

Hindi maitatangging may puso para sa masa at nangangailangan si Willie Revillame sa kabila ng kanyang tinatamasang kaginhawahan sa buhay. Mapapanoood sa kanyang programang Wowowin na madalas siyang magbigay ng tulong sa mga may kapansanan, matatanda at mga kapos sa buhay.

advertisement
16 of 57

Neri Naig

Hindi alintana ni Neri Naig, asawa ni Parokya ni Edgar front man Chito Miranda, ang putik habang busy sa kanyang maliit na garden. Hilig din niya ang pagluluto at mula sa kanyang munting hardin ang ilan sa mga ingredients sa mga inihahain niya para sa kanyang mister.

17 of 57

Tuesday Vargas

Ang dating Kapuso star na si Tuesday Vargas ay dumadayo sa Rodic's sa may University of the Philipines (UP) Diliman para kumain, at sa Dangwa para bumili naman ng bulaklak. Maliban sa pagiging artista ay isang events planner din si Tuesday.

18 of 57

Iya Villania

Ginagamit niyo rin bang pabango ang sabon para sa closet at cabinet niyo? Ganyan din ang ginagawa ni Iya Villania. Malimit ding mag-ayos ng sarili niyang closet si Iya. Siya rin ang nag-liligpit ng damitan ng asawang si Drew Arellano.

advertisement
19 of 57

Solenn Heussaff

Kahit maaari namang bumili at kumain sa iba't iba at mamahaling restaurant, mas gusto ni Solenn Heussaff na magluto. Paminsan-minsan ay tinutulungan pa siya ng kanyang kapatid na food vlogger na si Erwan.

20 of 57

Lovi Poe

Kahit sa grocery stores, pwedeng may makasalubong kang artista tulad ni Lovi Poe. Siya kasi mismo ang bumibili ng kanyang mga pagkain at ilang kailangan sa bahay tulad na lamang noong Christmas 2015.

21 of 57

Chynna Ortaleza and Kean Cipriano

Hindi kailangang magara para maging sweet! Priceless daw para kina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang pagsakay nila sa tricycle. Sinalubong nina Chynna at Kean ang 2016 bilang mag-asawa.

advertisement
22 of 57

Michael V and Jake Vargas

LRT naman ang sinakyan ng mag-ama sa Pepito Manaloto na sina Michael V at Jake Vargas. Ang Pepito Manaloto ay kilala bilang isang Kapuso program na kapupulutan ng magagandang aral kada episode.

23 of 57

Danica Sotto

Pan de sal ang merienda sa bahay ng Sotto-Pingris, salamat kay Danica Sotto at sa tulong ng mga anak niya na sina Anielle Micaela at Jean Michael. Kwento ni Danica sa Powerhouse, ang kusina ang kanyang itinuturing na tambayan sa bahay.

24 of 57

Bettinna Carlos

Maliban sa pagiging hands-on mom, tutok din si Bettinna Carlos sa kanyang negosyo at pagbe-bake ng mga pastries. Makikita sa litrato na siya mismo ang pumunta sa grocery store para bilhin ang mga kailangan niyang gamit at ingredients para sa kanyang baking workshop.

advertisement
25 of 57

Jennlyn Mercado

Sa University of the Philippines (UP) Diliman dumadayo si Jennylyn Mercado para mag-ensayo kasama ng kanyang mga kaibigan. Isang certified triathlete si Jennylyn na sumasabak sa mga competition. Nagsimula siyang maging aktibo sa ganitong uri ng sport noong 2011.

26 of 57

China Cojuangco

Kahit isa nang chef, aminado ang dating artista at kapatid ni Mikee Cojuangco na si China na ang paborito niyang merienda ay chicken balls at tokneneng.

27 of 57

Barbie Forteza, Andre Paras, Derrick Monasterio

Balut! 'Yan ang merienda nina Barbie Forteza, Andre Paras, at Derrick Monasterio. Kita naman ang pruweba sa larawang ito na kuha habang nasa shoot ng tapos nang teleserye na ‘The Half Sisters’ ang tatlong Kapuso stars.

advertisement
28 of 57

Gardo Versoza

Busy sa kusina si Gardo Versoza para magluto ng pansit for charity. Mahilig din magbisikleta si Gardo at madalas siyang mag-organize ng charity rides para sa mga kasamahan niya sa pagpadyak.

29 of 57

Howie Severino

Mapa-trabaho, pasyal o kasal, tunay na bike commuter ang beteranong broadcast journalist na si Howie Severino. Siya ay naging laman ng balita nang mahagip siya ng isang jeep habang pumapadyak papuntang GMA.

30 of 57

Kris Bernal

Mas mapapasarap ang shopping kapag sale, tulad na lamang ng ginawa ni Kris Bernal. Naging mas masinop na rin si Kris sa paggastos bilang pag-iipon para sa kanyang dream house.

advertisement
31 of 57

Marian Rivera

Luto mismo ni Marian Rivera ang simpleng handa sa unang buwan ni Baby Maria Letizia. Very hands-on ang Kapuso Primetime Queen sa kanyang panganay na anak na kanyang isinilang noong November 23, 2015.

32 of 57

Chariz Solomon

Hands-on mom si Bubble Gang star Chariz Solomon sa kanyang dalawang chikiting. Alagang-alaga niya rin ang mga ito ng kanyang breast milk. Isa ito sa mga advocacy ng komedyante kung kaya't kahit nasa trabaho ay sumisingit siya ng oras upang mag-pump ng kanyang breast milk.

33 of 57

Ryan Agoncillo

Hindi problema ang alikabok, pawis, at pagod para kay dabarkad Ryan Agoncillo. Mapa-pinto o cabinet man, siya mismo ang nag-aayos ng mga ito sa bahay ng kanyang pamilya. Tila naging bonding moment din niya ito at ng kanyang ama.

advertisement
35 of 57

Kim Domingo

Mas masarap kapag kumain nang nakakamay. 'Yan ang napatunayan ni Kim Domingo na piniling huwag gumamit ng kutsara at tinidor habang kumakain ng sisig.

36 of 57

Aiai delas Alas and Sancho delas Alas

Walang make-up at nakabihis pambahay pero nakangiti pa ring ipinagmalaki ng mag-inang sina Aiai delas Alas at Sancho ang ginawa nilang pagpapaligo at pag-aalaga sa kanilang asong si Sharo.

37 of 57

Sinon Loresca

Kahit nakarating na ng London at sikat na sikat ngayon bilang “King of the Catwalk,” hindi pa rin tinatalikuran ni Sinon Loresca ang kanyang pinanggalingan. Laki sa hirap at noo'y napapagaliran ng basura si Sinon, at ngayong mas maginhawa na ang kanyang katayuan sa buhay ay hindi niya nalilimutang mag-abot ng tulong sa mga taong walang tirahan at walang makain. Aniya, madalas pa rin siyang makipag-bonding sa kanyang mga nakakasalamuha sa kalsada.

advertisement
39 of 57

Patricia Tumulak

Galing man ang Eat Bulaga Dabarkads na si Patring sa may kayang pamilya, na-e-excite pa rin ito sa mga simpleng bagay tulad ng dirty ice cream. Sa litratong ito, kasama niya ang Calle Siete co-stars sa pagpapalaming sa tag-init.

40 of 57

Bae-by Baste

Mainstay na ng Eat Bulaga at isa nang endorser ang Cute Boy ng Gen San, ngunit hindi pa rin ito nagbabago. Hindi kailangan sosyal ang ihain sa kanya para masarapan siya sa kinakain. Enjoy na enjoy siya sa mga ulam niyang tortang talong at tuyo.

41 of 57

Gretchen Barretto

Sosyal man si Gretchen Barretto, marunong pa rin siya maghugas ng mga pinagkainan at kumain nang naka-kamay.

advertisement
42 of 57

Jak Roberto

Hindi na kailangang pumunta ni Jak Roberto sa pet salon dahil siya ang laging nagpapaligo sa mga alaga niyang aso.

43 of 57

Laura Lehmann

Hindi nagdalawang-isip na sumakay sa MRT si Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann para hindi maipit sa traffic at mahuli sa kanyang maraming commitments.

44 of 57

Bitoy

Si Michael V. enjoy na enjoy pa rin kumain ng ice candy. Ayon sa award-winning comedian, tuwing kumakain siya nito, naalala niya yung kanyang kabataan noong nakatira pa sila sa tenement.

advertisement
45 of 57

Jennica Garcia

Ang anak ng premyadong aktres na si Jean Garcia na isang magaling na aktres rin ay isa na ngayong hands-on mom at budding businesswoman. Sa katunayan, pumupunta si Jennica sa Divisoria mag-isa sakay ng jeep at LRT para maghanap ng materyales para sa kanyang negosyo.

46 of 57

GabRu

In between takes, na-enjoy nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid ang tindang sorbetes ni Manong Sorbetero. Sweet!

48 of 57

Ellen Adarna

Galing sa mayaman na pamilya sa Cebu ang former 'Bubble Gang' star na si Ellen Adarna. Ang lolo ni Ellen na si Teodorico Adarna ay isang entrepreneur. Sa kabila ng karangyaan, marunong sa mga gawaing bahay si Ellen tulad na lamang ng paglalaba.

advertisement
49 of 57

  Papa P

Tulad din ba kayo mga Kapuso ng matinee idol na si Piolo Pascual na mahilig magkutkot ng paa? Silipin ang nakakatuwang kuha na ito ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi sa Instagram ni Papa P.

50 of 57

Anne Curtis

Kuwento ni Anne Curtis, lagi daw bumibili ang pamilya niya ng taho sa suki nilang si Mang Boy noong bata pa sila at nakatira sa Mandaluyong. Fast forward sa present time, nakilala niya si Kuya Sendong, ang anak ni Mang Boy na siyang nagpatuloy ng pagtitinda ng taho matapos pumanaw ang ama. Tuwang-tuwa si Anne dahil na-miss niya ang taho na timpla ni Mang Boy. Ayon sa aktres, it brought her back to her childhood.

51 of 57

Nadine Samonte

advertisement
52 of 57

Christine Bersola-Babao

53 of 57

John Lloyd Cruz

Spotted naman ang Box Office King na si John Llyod Cruz na nagbibisketa sa Mandaue City sa Cebu. Namataan din siyang nagpapagupit sa isang local barber shop doon sa presyong P40.

54 of 57

Andre Paras 

Para kay Andre, ang pagkain ng street food ay "good source of happiness."

advertisement
55 of 57

Curtain shopping 

Siya rin mismo ang pumipili at bumibili ng kanyang kurtina.

56 of 57

Coco Martin

Isa sa Pinoy street food na kinakain ni Coco Martin ang isaw o chicken intestine.

58 of 57

John Feir

Mukhang napasabak sa matinding kusutan si Patrick. Nakakatuwa ang IG post ng 'Pepito Manaloto' star na si John Feir habang abala sa kanyang mga labada. Aniya, " LABAnan ang Covid19. Tuloy tuloy lang ang buhay tuloy tuloy lang din ang gawaing bahay"

advertisement
59 of 57

Glaiza De Castro

Si Kapuso actress Glaiza De Castro ang personal na naglalaba ng kanyang mga damit habang nagpapalipas ng enhanced community quarantine sa probinsiya.

60 of 57

Betong Sumaya

Dahil sa enhanced community quarantine, si Centerstage host Betong Sumaya na ang personal na naglalaba ng mga damit niya. Sa eksklusibong panayam, sinabi ng komedyante na isa ito sa mga bagay na wala siyang choice kundi gawin dahil mag-isa lang siya sa tinitirhan niyang bahay ngayon.

61 of 57

Kenneth Earl Medrano

Isa umano ang paglalaba sa daddy duties ni That's My Bae winner Kenneth Earl Medrano.

advertisement