Showbiz News

Magiging anak ni LJ Reyes at Paolo Contis, sino ang mas kamukha?

By Gia Allana Soriano

Summer Ayanna ang piniling pangalan nina LJ Reyes at Paolo Contis para sa kanilang baby girl.

Kuwento ni LJ, "Gustung-gusto ko lang talaga 'yung name, 'tapos parang feeling ko pang summer, parang feeling ko it brightens up your mood, di ba?"

Nang tanunging kung bakit Ayanna ang kaniyang naisip na second name, sagot ni LJ, "We wanted a name that starts with letter A, kasi lahat ng kids namin may A."


Sa January 2019 nakatakdang manganak si LJ.

Base sa sonogram na ipinakita nila, masasabi ni LJ na mas kamukha ng kanilang baby si Paolo.

Panoorin nag buong report sa 24 Oras: