Showbiz News

KMJS: Balato ng Lotto milyonaryo umabot ng PHP 13M?

By Bianca Geli

May update sa masuwerteng taga-Samar na nanalo ng mahigit PHP 400M na Mega Jackpot sa UltraLotto noong nakaraang Oktubre 2018.

Kuwento ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ang nagwagi, namigay raw ng limpak-limpak na balato. Siksikan at may pila pa sa isang barangay sa Borongan, Eastern Samar noong nakaraang linggo. Parang Santa Claus na namimigay ng maagang aginaldo ang nanalo.

Ang jackpot winner ng UltraLotto, itago na lang natin sa pangalang “Pepito” na nagtatrabaho sa City Hall ng Borongan.

May ipinagkatiwalaan daw si Pepito na mamigay ng balato, ang kanyang kaibigan na itago na lang natin sa pangalang “Caloy.”

Kuwento ni Caloy, galante raw talaga si Pepito kahit pa noong naghihirap ito. “Nung matawagan ako, pinapunta lang ako sa isang lugar na doon kami magkikita. Pagkatapos, inabot na niya 'yung envelope na may mga address kung kanino ibbibigay 'yung mga cheke."

Sa tantsa ni Caloy, ang balato na ibinigay ni Pepito, nasa PHP 13M lahat at ang PHP 4.8M mula rito ay napunta sa mga empleyado ng City Hall ng Borongan. Namigay din ng PHP 500,000 na balato si Pepito sa mga tricycle driver sa kanilang lugar. Para sa kanilang simbahan, PHP 2M ang inilaan ni Pepito. Umabot naman ng PHP 300,000 ang balato ni Pepito para sa kanyang mga malalapit na kabigan.

Dahil sa pagkapanalo ni Pepito, 'di magkandarapa ang mga taga-Borongan dahil sa balato. Si Pepito, dinagsa ng mga tawag at bisita, at ng mga naniningil ng utang.

Paano kaya nila pinaghatian ang balato ni Pepito? Panoorin sa video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Video courtesy of GMA Public Affairs