Showbiz News

Katrina Halili gets offer for a date with Marvin Agustin

Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Tawa na lang ang isinagot ni Katrina Halili nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung totoong nanliligaw sa kanya ngayon si Marvin Agustin. [Sabi] ni Katrina, hindi pa raw sila lumalabas ni Marvin at hanggang sa pagte-text lang daw sila nagkakausap. Pero inamin ni Katrina na humiling si Marvin ng date mula sa kanya pero hindi pa niya ito mapagbigyan dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule. "Nagtanong na siya pero wala talaga akong libreng araw," emote ni Katrina. "Tinatapos na kasi namin ang mga last taping days ng Magdusa Ka. Tapos, kakatapos ko lang mag-taping din ng bagong drama anthology ng GMA-7 na Obra. Tapos baka magsimula na kami ng taping ng Gagambino.” "Ang then, magpe-prepare na ako para sa shooting ko for Miss X at One Night Only. Magkasunod na movies ‘yan, kaya inaayos talaga ang calendar ko.” "Kaya nakakaloka ang schedule ko talaga, as in nakakabaliw. Pero enjoy naman ako kasi ang daming trabaho. Kaya yung date-date, naku, nakakalimutan ko munang gawin. Siguro kapag may naisingit na libreng araw, why not, di ba? Okey naman si Marvin, e." Inamin naman ni Katrina na last date niya ay kasama pa niya si Joross Gamboa. Pinagbigyan daw niya ito dahil matagal na raw kasi siyang walang nakaka-date. "Hindi nga ba matagal na akong walang boyfriend, kaya ang tagal kong hindi nakakapag-date? Gusto ko naman ma-feel ulit iyon.” "Kaya noong magsabi si Joross kung puwede ba akong i-date, okey lang, kasi nataon na libre ako noong araw na iyon. Kaya hayun, naka-date ako ulit. Simpleng date lang naman iyon. Parang wala lang...nag-date tayo," sabay tawa ni Katrina. Kung sakali nga raw na matuloy ang date nila ni Marvin, itatanong ba niya muna rito kung may magagalit ba? Baka nga naman kasi mag-react ang natsitsismis kay Marvin na si Diana Zubiri. "Natural itatanong ko iyon, di ba? Kaibigan ko naman si Joy [tunay na pangalan ni Diana] at siyempre, bilang respeto, tanungin ko muna si Marvin kung ano ba ang namamagitan sa kanila.” "Kung friends lang sila, okey siguro kung mag-date kami. Wala namang masama sa date, di ba? Pero ipapaalam ko pa rin yun kay Joy. Ngayon kung malaman ko na serious pala itong si Marvin kay Joy, bakit naman ako lalabas with him? Nakakahiya naman, di ba?" Paano kung maging seryoso si Marvin sa kanya at hindi kay Diana? Magpaligaw kaya siya kay Marvin? "Ang bilis naman!" sabay tawa ni Katrina. "Hindi pa nga kami nagde-date, e, may ligaw na! Sobra naman ‘yon! "Siguro wait ko muna na mag-date kami ni Marvin. Kung magtanong siya, may isasagot naman na ako sa kanya, if ever. Sa ngayon, wala pang ganyan. Hanggang text-text pa lang naman kami. Wait n'yo na lang kung ano ang mangyayari, di ba?" Helping Jennylyn Samantala, nakarating kay Katrina ang nangyari kamakailan sa co-StarStruck alumna niyang si Jennylyn Mercado. Sinugod nga raw sa ospital si Jennylyn dahil nagkaroon ito ng premature contraction. Pero nakauwi na raw ito sa bahay nila. Nagpakita ng concern si Katrina kay Jen. "May nagsabi nga sa akin tungkol sa nangyari kay Jen at siyempre, nagulat din ako. Kasi huli kong nakita si Jen, mga three or four months pa lang ang tiyan niya. So matagal na kaming di nagkikita at hanggang pag-text lang kami ngayon. "Nagsabi naman ako kay Jen na kung kailangan niya ng anumang tulong, kahit financially, huwag siyang mahiyang tumawag sa akin. "Parang magkapatid na kami ni Jen dahil ilang projects na rin ang pinagsamahan namin. Hindi ako magdadamot sa kanya dahil kaibigan ko siya. Kahit sino naman sa batch namin sa StarStruck, ready akong magbigay ng tulong basta alam kong kailangan talaga." Paano kung tanggihan ni Jen ang tulong niya dahil sa mahihiya ito? "Huwag naman na niyang tanggihan. Isipin na lang niya na para sa baby niya ito. Bilib nga ako sa kanya dahil kahit malaki na ang tiyan niya, pilit pa rin siyang nagwu-work. Nakakabilib talaga. Kasi kung ako buntis, hindi na ako magwo-work ng sobra. Pababayaan ko ang mister ko na magtrabaho. "So, kung ano man ang maibigay kong tulong kay Jen, huwag na niyang tanggihan. Galing iyon sa sincere na pagtulong ko." Kaya naman malapit ang suwerte kay Katrina dahil sa kanyang mapagbigay na puso. Magla-last taping day na nga sila ng Magdusa Ka pero magsisimula na siyang mag-taping para sa Gagambino. Si Katrina rin ang buena-mano ng bagong drama anthology ng GMA-7 na Obra. Kabilang na nga sa suwerteng dumarating kay Katrina ay ang pagbibida niya sa pelikulang Miss X at One Night Only ng OctoArts Films. Malapit na rin daw matapos ang kanyang coffee-table book. --PEP.ph