
Kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang multi-awarded comedienne na si Aiai Delas Alas sa ospital. Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng Comedy Queen, kung ano ang dahilan ng kaniyang pagkakasakit.
Aiai Delas flooded with get well soon messages after IG post
Samantala, sobra naman na-appreciate ni Aiai ang mga natanggap niyang mensahe para sa agaran niyang paggaling mula sa mga katrabaho niya sa Sunday PinaSaya tulad nila Marian Rivera at Kyline Alcantara.
Nakatawag naman ng pansin sa mga netizen ang makahulugang Instagram post ng Kapuso star patungkol sa mga tinawag niyang 'fake friends.'
Sa post ni Aiai, sinabi nito na mas na-realize niya kung sino ang mga taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya ngayon.
“'Pag na hospitalize ako noon kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha ... ngayun bilang mo nalang mga totoong nagmamahal nalang ang nag papadala ng flowers ( hindi ako nag rereklamo narealize ko lang ang buhay ay nakakatawa).”