Showbiz News

WATCH: Golden Cañedo at Jong Madaliday, gustong gumawa ng sarili nilang pangalan sa musika

By Marah Ruiz

Nagsama ang former Clashers at ngayon ay Kapuso singers na sina Golden Cañedo at Jong Madaliday sa isang video interview para sa online music show na Spotlight Music Sessions.

Golden Cañedo at Jong Madaliday

Dito nila ibinahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling style sa pag-awit.

"Pagka parehas [ang style niyo], kailangan mong ibahin 'yun para hindi tatak na si [other singer]. Mas tatatak, pangalan mo. Walang maririnig na, 'Uy 'yan 'yung kumanta na kaboses ni Ed Sheeran.' So parang hindi ikaw 'yung na-notice. Mas maganda po 'yung gagawa ng sarili niyo po talaga," pahayag ni Jong.

Sang-ayon naman dito si Golden na madalas ikumpara sa singer na si Sarah Geronimo.

"I'm glad na nakikita nila sa akin si Ms. Sarah G. Ang gusto ko naman po na ma-recognize din po ako ng tao as Golden Cañedo," aniya.

Panoorin ang buong Q&A nina Golden at Jong para sa Spotlight Music Sessions: