Showbiz News

Michael V.'s 'Gayahin Mo Sila' among 2018 YouTube Top Trending Videos in PH

By Nherz Almo

Kabilang ang kanta ni Michael V. na “Gayahin Mo Sila” sa Top 10 Trending YouTube Videos sa Pilipinas.

Nasa ika-limang puwesto ang parody ni Bitoy sa hit song ng rap group na Ex Battalion, ang “Hayaan Mo SIla,” na unang napanood sa Bubble Gang noong March 9.

READ: Michael V, may kutob na magiging viral ang "Gayahin Mo Sila"

Kasalukuyang nasa mahigit walong milyon na ang pageviews ng video na ito, kung saan kasama ni Michael V. ang kapuwa Bubble Gang star niyang si Sef Cadayona.

Bukod sa “Gayahin Mo Sila,” pasok din sa Top 10 ang video ng Kapuso Mo, Jessica Soho na “Misteryosong 'Monster Ferris Wheel," na nasa ika-siyam na puwesto.

Video from GMA Public Affairs