Showbiz News

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara wants to spread positivity via 'Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special'

By Marah Ruiz

Kabilang si Kapuso singer and actress Kyline Alcantara sa Kapuso artists na nakiisa sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special.

Kyline Alcantara

Excited na inilarawan ni Kyline ang espesyal na pagtatanghal ng GMA para sa Pasko.

"Punung-puno [ito] ng positivity, lalo na dito sa darating na Pasko natin. 'Yun lang naman siguro 'yung importante sa buong buhay natin--magkaroon ng positivity. Dito, ipapasa 'yung pagmamahal ng Pasko so parang ang sarap lang sa pakiramdam noon. Nakaka inspire," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Umaasa daw siya na maraming mga Pilipino ang ma-iinspire, bukod sa maaaliw sa panonood ng special na ito.

"It's all about love eh. 'Yung Pasko, it's all about sensitivity. It's all about love. It's all about positivity. Birthday 'yan ng Panginoon natin so kailangan mag-spread talaga tayo ng love," ani Kyline.

Abangan si Kyline sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special sa December 16, 9:00 pm sa GMA!