Showbiz News

Pagsasama-sama ng mga Kapuso stars para sa 'Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special,' wagi sa ratings!

By Marah Ruiz

Full force ang mga Kapuso stars sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special na itinanghal noong December 16.

Nagbunga naman ang pinaghirapan nilang performances dahil nagtala ang Christmas special ng 38.2 laban sa 31.3 ng kasabay na palabas sa kabilang estasyon.

Base ito sa National Urban Philippines Audience Shares ng Nielsen Television Audience Measurement.

Napanood sa special na ito ang mga inihandang numbers ng mga Kapuso stars tulad nina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Alden Richards at marami pang iba.