Showbiz News

Ano ang balak i-regalo ni Jak Roberto kay Barbie Forteza?

By Gia Allana Soriano

Naikuwento ni Barbie Forteza at Jak Roberto ang Christmas plans nila this 2018 sa panayam sa kanila ng 24 Oras kamakailan.

Jak Roberto and Barbie Forteza

Sabi ni Barbie, "Sa mismong Pasko at Bagong Taon, quality time lang with my family and loved ones."

Sa panig naman ni Jak, "Simple dinner lang sa bahay, simpleng Noche Buena lang po.

“'Tapos 'yung kasunod na araw naman, 26 po, pumupunta kami sa family niya [ni Barbie] sa Biñan, e. Doon kami nag-de-dessert."

Ano naman ang gusto sanang iregalo ni Jak kay Barbie?

Sagot niya, "Tinatansya ko pa siya, e. Iniisip ko kung ano mga nila-like niya sa social media, ano niya lately, doon ako nagbe-base.

Panoorin ang buong report 24 Oras: