Showbiz News

Miss Universe 2018 Catriona Gray greeted by kids from Tondo

By Gia Allana Soriano

May mensahe ang mga batang tinutulungan na ni Catriona Gray bago pa siya sumali sa Miss Universe competition.

Catriona Gray and Kids

Ang mga kabataang ito ay tinutulungan ng Young Focus Foundation Child Care Center sa Balut, Tondo.

Miss Universe 2018 Catriona Gray: A queen with a golden heart

Naging malapit na sila kay Catriona, na tatlong taon nang tumutulong sa naturang foundation, kaya naman kasama sila sa mga sumalubong sa pagbabalik-Pinas ng Pinay beauty queen kahapon, December 19.

Sabi ng isa sa mga kabataang nakasama sa pagsalubong kay Catriona, "Nabigyan niya kami ng inspiration na dapat makatapos kami."

Sabi naman ng isa pa sa kanila, "Dinala niya talaga 'yung Tondo sa ibang bansa."

Samanatala, isa pang bata mula sa Young Focus Foundation ang bumati sa kanilang Ate Cat at sinabing, "Sana po hindi ka magbago.

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: