What's Hot

READ: Willie Revillame, unang nakausap ni Kiray Celis tungkol sa kanyang paglipat sa GMA Network

By Cherry Sun
Published December 24, 2018 12:10 PM PHT
Updated December 24, 2018 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Si Willie Revillame raw ang kauna-unahang nakausap ni Kiray Celis nang magdesisyon siyang lumipat sa GMA Network, at pinatunayan daw ng Wowowin host na tama ang kanyang pinili. Read more.

Si Willie Revillame raw ang kauna-unahang nakausap ni Kiray Celis nang magdesisyon siyang lumipat sa GMA Network, at pinatunayan daw ng Wowowin host na tama ang kanyang pinili.

Willie Revillame
Willie Revillame

Nitong December 20 ay pumirma na bilang isang Kapuso talent si Kiray under GMA Artist Center. Nasa bagong lugar man daw siya, matagal na rin daw tahanan ang turing niya sa GMA Network dahil marami siyang kaibigan at nakatrabaho rito. Isa na rito si Willie na nagbigay sa kanya ng payo nang malaman ang kanyang career move.

IN PHOTOS: Kiray Celis is now a Kapuso

Kuwento ni Kiray sa GMANetwork.com, “Si Tito Willie syempre kilala ko since bata pa ako. Siya 'yung unang-unang nakita ko pagkasabi ko na decided na ako. Kinita ko rin siya.”

“Sabi niya, 'Nasa tamang lugar ka.' 'Yun 'yung sabi niya sa akin. 'Aalagaan ka nila dito, and I'm happy for you.' Sabi ko, 'thank you,'” patuloy niya.

Pansin ni Kiray ang kasiyahan sa Kapuso network ng Wowowin host na minsan na ring nanggaling sa ibang istasyon.

Wika ng aktres, “He's very happy eh. He's very happy here. So I think kung sila masaya, bakit ako hindi.'”