Showbiz News

Joaquin Garcia makes a good impression on David Foster

By Bianca Geli

Maganda ang pagbati ng 2019 sa singer at dating Walang Tulugan star na si Joaquin Garcia.

Nagningning ang talento ni Joaquin sa pagkanta nang paakyatin siya sa concert stage ng international songwriter na si David Foster sa Tokyo, Japan.

Hindi natapos dito ang moment ni Joaquin dahil matapos ang concert ay ipinatawag siya ni David sa kaniyang dressing room at muling pinaawit.

Kuwento ni Joaquin sa 24 Oras, “We went to the backstage sa mismong dressing room niya and then nag-piano siya and I sang with him. Brian McKnight was there as well as other artists.”

Sabi raw sa kaniya ni David, ''Di na raw ito nagulat na Pinoy si Joaquin dahil tila maraming talented na Pilipino.

Bago sila maghiwalay, may mga napagusapan na plano raw sina Joaquin at David.

Saad ni Joaquin, “Hopefully, we will be doing a tour in Asia. Ayoko muna sabihin lahat kasi ayoko siya ma-preempt. Who doesn't want to be a part of his show?”

Nakatrabaho ng music producer at songwriter na si David Foster ang ilan sa pinakasikat na singers tulad nina Madonna, Michael Jackson, Celine Dion, at Whitney Houston.

Siya rin ang naging mentor ni Jake Zyrus, na unang sumikat bilang singer na si Charice Pempengco, bago ang kaniyang gender transition.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras: