Showbiz News

Enchong Dee, pinuri ang Kapuso beauty queen na si Laura Lehmann sa pelikulang 'Elise'

By Aedrianne Acar

Napabilib ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa mahusay na pagganap ng Kapuso beauty queen na si Laura Lehmann sa Regal Films project nila na Elise.

Ito ang first ever movie ni Laura na kinoronahan na Miss World Philippines noong 2017.

Now a Kapuso: Beauty queens Laura Lehmann and Sophia Senoron sign exclusive contracts with GMA Network


Makikita sa Instagram Stories ni Enchong na sobra siyang humanga kay Laura at sinabi nitong 'amazing' ang mestiza beauty sa naturang pelikula.

Excited na rin ang 2013 Miss World titlist na si Megan Young na mapanood si Laura sa big screen.

Enchong Dee and Laura Lehmann

Mapapanood ang Elise na pinagbibidahan din ng Kapuso drama royalty na si Janine Gutierrez sa darating na January 23 in cinemas nationwide!