Showbiz News

Angelika dela Cruz, nagagandahan kay Martin del Rosario

By Aedrianne Acar

Certified kabog ang performance ng Kapuso versatile actor na si Martin del Rosario sa comedy-drama movie na 'Born Beautiful,' sequel ng award-winning movie ni Paolo Ballesteros na 'Die Beautiful.'

Angelika dela Cruz

Ngayon pa lamang ay excited na ang mga celebrity at netizen sa pagganap ni Martin bilang Barbs.

Matatandaan na unang nag-portray sa role na ito ang newbie actor na si Christian Bables.

READ: 'Die Beautiful' actor Paolo Ballesteros praises co-star Christian Bables for an award-deserving performance

Isa sa humanga sa movie ni Martin ay ang versatile drama actress na si Angelika dela Cruz na sobrang nagandahan sa kaniya bilang si Barbs.

Silipin ang Instagram post ni Angelika patungkol kay Martin del Rosario.

Mapapanood sa January 23 ang 'Born Beautiful' at puwede rin mapanood ng Pinoy moviegoers ang uncut version ng pelikula sa UP Cine Adarna sa darating na January 18.