Showbiz News

LOOK: 'Party Pilipinas' and 'Sunday All Stars' barkada reunited

By Jansen Ramos

Matibay pa rin ang samahan ng cast ng defunct musical variety shows na Party Pilipinas at Sunday All Stars kahit nagkaniya-kaniya na sila ng kanilang careers.


Nitong Linggo, January 6, muling nagsama-sama ang grupo para sa kanilang unang salusalo ng 2019. Pinangalan nilang "Tiki" ang kanilang barkadahan.

Present dito ang StarStruck alumni na sina Rocco Nacino, Steven Silva at Mark Herras kasama ang kani-kanilang girlfriends na sina Melissa Gohing, Candy Gamos at Wyn Marquez.

Dumalo rin sa reunion sina Jay R, Kris Lawrence, Mayton Eugenio, Yassi Pressman at Frencheska Farr kasama ang kaniyang asawa na si Gino Jose.

Kaniya-kaniya silang post sa Instagram ng kanilang mga larawan na kuha mula sa kanilang get together sa isang Korean restaurant.

Ani Rocco, "Never a dull moment" kapag kasama ang grupo.


Wala raw nagbago sa kanilang samahan ayon sa actor-turned radio DJ na si Steven. "We BARELY see each other but when we do, it's like nothing's changed at all," ika niya.


Wish naman ni Mark na sana ay kumpleto na sila sa kanilang susunod na reunion.


"TIKIS reunion!!!! Marami pang wala (sad emoji)," sulat niya.