Showbiz News

READ: Lolit Solis, ikinalungkot ang pagkakaroon ng lupus ni Kris Aquino

By Jansen Ramos

Nalungkot ang batikang entertainment columnist na si Lolit Solis matapos malaman na may sakit na lupus si Queen Of All Media Kris Aquino.

Kris Aquino

Kris Aquino says she suffers from a 'form of lupus'

Ayon sa dating Startalk host, bilib siya sa pagiging ina ni Kris dahil sa kabila ng kalagayan nito ay prioridad pa rin ng media personality ang kaniyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Bahagi ni Lolit, "I feel sad sa mga nangyayari ngayon sa buhay ni Kris Aquino, Salve. Imagine na magkaroon ka ng lupus [kung totoo ngang may lupus siya] at may 2 anak na inaalagaan.

"Si Kris kahit nandiyan ang mga kapatid, lagi pa rin sa isip niya sino ang mag-aalaga kay Josh at Bimby kung sakali.

“Ito ang lagi niyang sinasabi, mahalaga sa kaniya ma-secure ang future ng dalawang anak.”

A timeline of Kris Aquino's health scar

Pero kahit na may iniindang sakit si Kris, tiwala si Lolit na malalagpasan nito ang kinakaharap na legal battle kontra sa finance expert at former business partner nitong si Nicko Falcis.

Ani Lolit, "Dagdag na stress pa ngayon iyon pagsali ni Gretchen Barretto sa usapan ng Kris at Nicko Falcis.

“Naku, si Kris pa, kaya niyang ihandle lahat ng gulo sa paligid niya.

“Mukha lang siyang fragile, but very strong kaya sure ako pass in flying colors ang Kris sa mga issues. Now na mukhang madali nang i-handle ang lupus kesa nun panahon ni Marcos, mas magiging magaan na ang pagdadala ni Kris."