Showbiz News

WATCH: Aiai delas Alas prioritizes baby plan this 2019

By Marah Ruiz

Magiging very busy si Kapuso comedienne Aiai delas Alas sa 2019 dahil sa dami ng kaniyang mga plano.

Aiai delas Alas

Kabilang dito ang paggawa ng ilang pelikula, na ang isa ay ipo-produce pa ng kaniyang kaibigan at kapwa singer na si Pops Fernandez.

"Meron akong ginagawang tatlong pelikula. And then baka pumunta kami ng Portugal ni Direk Louie [Ignacio] kasi 'yung School Service, parang kasama siya sa isang international film festival sa Portugal," bahagi ni Aiai.

Magtatanghal din siya ng kaniyang 30th anniversary concert ngayong taon.

"Ise-celebrate ko talaga kasi bihira naman makarating ng 30 years, 'di ba, in the business?

“Lahat ng mga nakasama kong bago at lumang kaibigan ko sa industriya, gusto ko lahat sila sanan nadoon," aniya.

Bukod dito, nais din daw niyang magkaroon sila ng baby ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Aminado si Aiai na dahil sa kanyang edad, posibleng humingi sila ng tulong sa siyensiya.

"At least kahit meron man lang kaming isa.

“Kahit ano basta normal siya and healthy baby, kung ano ibigay ni Lord, game," pahayag niya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: