What's Hot

WATCH: Martin del Rosario, daring sa kanyang pagganap na transwoman sa isang pelikula

By Maine Aquino
Published January 13, 2019 1:51 PM PHT
Updated January 13, 2019 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH civilian mission plants PH flag on Pagasa Cay 2 amid Chinese vessels' presence
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News



Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras ay nagbahagi ang aktor na si Martin Del Rosario ng kanyang mga naging paghahanda bilang Barbs. Panoorin 'yan dito.

Ibinahagi ni Martin del Rosario na matinding sakripisyo ang kanyang hinarap para gampanan ang role na Barbs sa pelikulang Born Beautiful.

Martin del Rosario
Martin del Rosario

Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras ay nagbahagi ang aktor ng kanyang mga naging paghahanda bilang Barbs. Aniya, bukod sa pagwa-wax ng kanyang buong katawan, ang proseso ng kanyang transformation bilang isang transwoman sa pelikula ay kanyang pinaghirapan.

"'Yung mga wig na buong araw na nakakabit sa'yo, 'yung makeup na parang one hour na ikinakabit."

Sa kanyang look bilang Barbs ay marami ring nakapansin na may pagkakahawig siya kina Empress Schuck at Shaira Diaz.

"Nakaka-flatter naman kasi parehas na magaganda 'yun. Mas maganda ako sa kanila!" biro ng aktor.

Pinag-usapan rin ang kanyang naging first ever kissing scene sa lalaki. Kuwento ni Martin, "First time ko magkaroon ng kissing scene sa lalaki. Siyempre nakakakaba. Proud ako na ginawa ko ito. Ito 'yung movie na parang ang dami kong realizations na kaya ko palang gawin."

Mapapanood ang Born Beautiful ngayong January 23.