TV

Janine Gutierrez, excited nang mag-ibang anyo para sa 'Dragon Lady'

By Bianca Geli

Isang kakaibang fantasy drama ang pinagkakaabalahan ni Janine Gutierrez ngayong umpisa ng 2019.

Janine Gutierrez

Nakataktdang gumanap bilang isa sa lead actresses sa upcoming GMA Afternoon Prime na Dragon Lady si Janine.

Kuwento ng Kapuso actress, nasukat na ang prosthetics niya para sa Dragon Lady, kung saan gaganap siya bilang isang Filipino-Chinese na babae na may hango sa dragon ang hitsura.

“Sobrang nakakaaliw kasi, ako mismo, fan ako manood ng mga constume tranformations sa internet, 'yung nakaupo sila sa makeup chair, 'tapos naka-time lapse 'yung paglagay ng prosthetics”

“First time ko na ako naman 'yung gagawan ng ganun.

“Medyo matagal yung trabaho pero pagkakita ko dun sa results talagang ang galing nung prosthetics and excited akong makita niyo.”

Dagdag niya, “Bukod sa pagiging isang dragon lady na talagang may mysteryo at may kaakibat na fantasy 'yung anyo niya, lalabas din 'yung pagiging dragon lady niya sa pagiging matapang, sa pagiging palaban.”

“So buong-buo, 'yung pagiging dragon lady niya kaya excited ako sa challenges na kasama sa role na ito.”

Masaya rin daw si Janine na balik-GMA Afternoon Prime slot ang kaniyang upcoming drama.

“Super excited talaga akong bumalik sa afternoon prime kasi dito ako nagsimula talaga sa time slot na ito nung Villa Quintana.”

“I'm so excited kasi kakaibang kwento naman ito at nakakaintriga kasi may sumpa may sikreto, at may swerte kaya bagay na bagay sa simula ng 2019,” saad niya.

Janine Gutierrez naghahanda na para sa kaniyang bagong Kapuso serye na 'Dragon Lady'