Showbiz News

WATCH: Gloria Romero, hindi makapaniwala sa nakuhang Best Actress award sa MMFF

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi pa rin makapaniwala ang beterenang aktres na si Gloria Romero na siya ang nanalong Best Actress noong 2018 MMFF Gabi ng Parangal para sa pelikulang Rainbow's Sunset.

Gloria Romero

READ: Gloria Romero takes home Best Actress in MMFF for the second time

Sa thanksgiving party ng Rainbow's Sunset, sinabi ni Gloria na masaya siya sa nakuhang tropeo at wala pa siyang balak tumigil sa pag-aartista.

“Of course I'm very happy. After all these years, at the age of 85, nakatanggap pa ako ng award. I owe this to my director, to our producer, and to my co-actors,” ani Gloria.

Ayon sa kanya, nag-e-enjoy pa siya tuwing nasa shooting siya ng weekly drama fantasy anthology na Daig Kayo ng Lola Ko kaya't wala pa siyang balak magretiro sa showbiz.

“The moment na hindi na ako makapag-memorize, magre-retire na ako.”

Panuoring ang buong report ni Lhar Santiago sa Balitanghali sa video sa ito: