Showbiz News

WATCH: Pacquiao, may sagot tungkol sa posibleng rematch nila ni Mayweather, Jr.

By Jansen Ramos

Hindi pa man nagaganap ang laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kontra kay Adrien broner, humihiling na kaagad ang kaniyang fans ng isang rematch laban kay Floyd Mayweather, Jr.

Manny Pacquiao

Sinagot ito ni Manny nang bumisita ang GMA News correspondent na si Mav Gonzales sa kaniyang bahay sa Los Angeles, California, bago tumulak sa Las Vegas para sa fight week activities.

Ani Pacman, mapag-uusapan naman daw talaga ang posibleng paghaharap nilang muli ni Mayweather, Jr. pagkatapos ng kaniyang laban kay Broner na gaganapin sa January 20 (PH time) sa MGM Grand Las Vegas.

IN PHOTOS: Pacquiao intensifies training for fight against Broner

"Tapusin muna natin 'tong laban kay Broner.

"Mapag-uusapan naman talaga 'yan after ng [fight ko with Broner.] God willing. May presscon naman after ng fight," diin ni Manny.

Maaalalang nabigong mapabagsak ni Manny si Mayweather, Jr. sa kanilang unang laban noong 2015.

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: