Showbiz News

Aiai Delas Alas, gusto na magka-apo kay Anne Curtis

By Maine Aquino

Sa bagong pelikula ni Aiai Delas Alas ay pinasalamatan niya si Anne Curtis dahil sa mabuting pakikitungo nito sa kanya sa loob ng ilang taon.

Aiai delas Alas & Anne Curtis

Ani ni Aiai, "Madami nang narating ay mabait na anak pa din... sabagay mabait naman talagang anak 'to naalala ko dati binili n'ya ang mommy n'ya ng house sa Australia kaya super work s'ya."

Binanggit rin ng Sunday PinaSaya host na nagpapasalamat siya sa cameo ni Anne sa kanyang ginagawang pelikula. Kasunod nito ay ang kanyang paghiling ng apo sa aktres.

"Salamat sa pag cameo sa sons GOD BLESS YOU BEBE GIRL at sana mag ka apo na 'ko sa'yo hehe."

Isa rin sa pinasalamatan ni Aiai ay ang beteranang aktres na si Nova Villa dahil sa kanyang suporta at pag-guest sa pelikula.

"Tita Nova, salamat din sa walang sawang pagmamahal saken as always thank you sa guesting at support mo samen ng mga boys ex b .. GOD BLESS YOU AND LABYU ALWAYS #titanovavilla #superfriendsinahowbiz #halagangpakikisama #reapwhatyousow #realfriends"