advertisement
Showbiz News

#ExKoYan: Celebrities na dating magkarelasyon

1 of 33

Solenn Heussaff and Derek Ramsay

Dating magkarelasyon ang Kapuso actress-vlogger na si Solenn Heussaff at bankable TV-movie actor na si Derek Ramsay.

Matatandaan na muling nagkasama ang dalawa noong 2016 nang gawin nila ang pelikulang 'Love is Blind.'

2 of 33

Jake Cuenca and Lovi Poe

Sa isang live interview sa telebisyon inamin ni Jake Cuenca na nagkaroon sila ng relasyon ni Kapuso actress Lovi Poe at tumagal ito ng dalawang taon.

3 of 33

Robin Padilla and Sharon Cuneta

Naging magnobyo ang veteran actors na sina Robin Padilla at Sharon Cuneta habang ginagawa nila ang pelikulang "Maging Sino Ka Man" noong 1991. Sa isang interview, ibinahagi ni Sharon ang tawagan nila ni Robin noon ay "kambal."

advertisement
4 of 33

Boy 2 & Rufa Mae

At the presscon of the primetime series 'Coffee Prince' in 2012, 'Bubble Gang' mainstay Boy2 Quizon went on record that he and co-star Rufa Mae Quinto became a couple. But the relationship didn't last long because Boy2 admitted that they were better off as friends. He said, “Kung naging kami, in a way, it's something na hindi namin pinlano. Pero we're better as friends.”

4 of 33

JC De Vera and Michelle Madrigal

Bahagi ni JC De Vera sa isang interview, ang relasyon niya raw kay Michelle Madrigal ang isa sa pinakamasakit dahil minahal niya ang aktres ng todo.

5 of 33

Troy Montero and Nikki Valdez

advertisement
6 of 33

Derrick and Kathleen Joy Paton

Kapuso hottie Derrick Monasterio used to date Miss Manila 2018 and Miss Teen International 2017 Kathleen Joy Paton. In his interview with PEP.Ph at the grand media conference of the film “Kiko En Lala,” Derrick admitted that he has been single for eight months already. Derrick added their breakup was a 'mutual decision.'

7 of 33

Diego & Sofia

Laking gulat ng mga fans at ng mga tao sa entertainment industry na naging magkarelasyon ang dating Kapamilya love team na sina Sofia Andres at Diego Loyzaga. Walang pormal na pag-amin na nanggaling sa kanilang dalawa patungkol sa kanilang relasyon, pero lumabas ang totoo nang basagin ni Sofia ang kaniyang katahimikan ngayong Mayo 2018. Ayon sa dalaga ay “civil” silang dalawa ngayon ni Diego, pero sa tuwing magkasama sila ay lagi silang hindi nagkakasundo. Anak ng action star na si Cesar Montano si Diego kay Teresa Loyzaga.

9 of 33

Manilyn & Keempee

advertisement
10 of 33

Enrique Gil and Coleen Garcia

Si Coleen Garcia ang umamin na naging sila ni Enrique Gil. Ayon sa aktres, itinuturing niya lang daw itong isang puppy love.

11 of 33

Carla Abellana and JC Intal

Ex-girlfriend si Carla Abellana ng PBA player na si JC Intal na asawa na ngayon ni Bianca Gonzalez. Maayos na naghiwalay ang dalawa at nanatili pa rin silang magkaibigan.

12 of 33

James Reid and Ericka Villongco

Ayon sa singer na si Ericka Villongco, naging sila ni James Reid at lagpas tatlong taon tumagal ang kanilang relasyon.

advertisement
13 of 33

Megan Young and Nico Salva

Bago pa koronahan bilang Miss World 2013, napabalitang naging boyfriend niya ang former Ateneo Blue Eagles basketball player na si Nico Salva.

14 of 33

Rachelle Ann Go and Gab Valenciano

Naging boyfriend ni Rachelle Ann Go si Gab Valenciano. Ayon sa Kapuso singer-actress, naging masaya raw siya nang malaman ang magandang balita tungkol sa dating boyfriend.

15 of 33

Rocco Nacino and Sheena Halili

Matapos maghiwalay, muling nagkatrabaho sina Rocco Nacino and Sheena Halili sa 'Hiram Na Alaala.' Sa isang interview, inamin ng aktres na nakaramdam pa rin siya ng pagiging awkward kahit na mayroon silang closure.

advertisement
16 of 33

Oyo Boy Sotto and Nadine Samonte

Ayon kay Nadine Samonte, nalampasan na raw nila ng kanyang ex-boyfriend na si Oyo Boy Sotto ang akward stage bago pa sila magkatrabaho sa isang show noong 2012.

17 of 33

Oyo Boy Sotto and Angel Locsin

Naging nobya rin ni Oyo Boy Sotto si Angel Locsin, ang ex-girlfriend ng pumanaw na pinsan ni Oyo na si Miko Sotto.

18 of 33

Benjamin Alves and Pia Wurtzbach

Bago pa sumabak sa beauty pageant si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, makikita na sa Instagram accounts nila ni Benjamin Alves ang mga litratong magkasama sila. Ayon kay Benjamin, nagde-date raw sila noon ni Pia ngunit hindi exclusive.

advertisement
19 of 33

Richard Gutierrez and Jewel Mische

Itinago nina Richard Gutierrez at Jewel Mische ang kanilang relasyon sa publiko. Lumabas na lamang ang balita na naging sila ay nang aminin ni Richard na hiwalay na sila noong 2010.

20 of 33

Gerald Anderson and Bea Alonzo

Ilang taon matapos ang naudlot na relasyon, naging magkasintahang muli sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ngunit hindi pa rin naging maganda ang katapusan ng kanilang relasyon dahil, ayon kay Bea, bigla na lamang daw siyang hindi kinausap ng binatang aktor.

21 of 33

Xian Lim and Erich Gonzales

Tumigil sa panliligaw si Xian Lim kay Erich Gonzales. Ayon sa aktor, naging busy na raw siya kaya't hindi na niya ito itinuloy.

advertisement
22 of 33

Jake Cuenca and Jessy Mendiola

Inamin ni Jake Cuenca na nanligaw siya kay Jessy Mendiola ngunit itinigil niya ito para sa ikabubuti ng career ng aktres.

23 of 33

Jolo Revilla and Lovi Poe

Magsasama sa pelikulang '72 Hours' ang ex-lovers na sina Jolo Revilla at Lovi Poe. Taong 2009 nang tapusin ng mga aktor ang kanilang halos dalawang taong relasyon.

24 of 33

Claudine & Eric

Did you know that Claudine Barreto and Eric Fructuoso were a couple durig the '90s? The two worked together in the defunct sitcom 'Palibhasa Lalake.'

advertisement
25 of 33

Christian Bautista and Carla Dunareanu

Nabuo ang relasyon nina Kapuso actor Christian Bautista at radio DJ na si Carla Dunareanu sa international series na 'The Kitchen Musical.' Pagkalipas ng lagpas isang taon, napabalitang naghiwalay ang dalawa.

27 of 33

Marvin Agustin and Pauleen Luna

Naging sanhi raw ng paghihiwalay nina Marvin Agustin at Pauleen Luna ang mga
magulang ng 'Eat Bulaga' host ngunit itinanggi naman ito ng Kapuso actress at sinabing maayos naman silang nag-break.

28 of 33

Rhian Ramos and KC Montero

Tumagal ng halos dalawang taon ang relasyon nina Rhian Ramos at KC Montero bago nila ito tinuldukan noong 2013. Nanatiling malapit na magkaibigan ang dalawa pagkatapos ng kanilang paghihiwalay

advertisement
29 of 33

Bianca Manalo and John Prats

Sa isang noontime show sa Kapamilya network nabuo ang relasyon nina Bianca Manalo at John Prats, ngunit hindi ito umabot ng isang taon. Ayon kay Bianca, hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay ni John.

30 of 33

Rachelle Ann Go and Christian Bautista

Taong 2007 nang tuldukan nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista ang dalawang taon nilang relasyon. Ayon sa isang interview kay Rachelle, maraming bagay silang hindi napagkakasunduan at kakulangan ng time sa isa't isa ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

31 of 33

Keempee de Leon and Ara Mina

Sa magkasabay na guesting sa 'Tonight with Arnold Clavio' ng dalawang '80s stars na sina Keempee de Leon at Ara Mina, nabuking na naging magkasintahan ang dalawa.

advertisement
34 of 33

Valeen and Victor Basa

Sa panayam ni Alex Calleja kay Valeen Montenegro sa kanyang podcast, ibinahagi niya na nakarelasyon niya noon ang Kapuso hottie na si Victor Basa. Pero itinuturing lamang niya ito na isang “puppy love.”

35 of 33

Karen and Rico

Ayon sa broadcaster at content creator na si Karen Davila, naging mag-karelasyon sila for two years noon ng CNN Philippines senior anchor na si Rico Hizon.

advertisement