Showbiz News

Pre-loved items ng Kapuso news anchors and reporters, sold out in two hours!

By Michelle Caligan

Masayang ibinalita ni GMA News reporter Nelson Canlas na naubos agad ang pre-loved items na ibinenta ng kanyang kapwa anchors at reporters sa isang ukay-ukay event.

GMA News Fashion Ukay

READ: A fashion 'ukay' event by GMA News anchors and reporters on January 26!

Ayon sa Instagram post ni Nelson, two hours lang ang itinagal ng kanilang pagbebenta na dapat ay mula 7:00 a.m. hanggang tanghali. Wala daw natira sa laman ng limang malalaking boxes na dala nila.

"MARAMING SALAMAT, Kapuso. After two hours lang, sold out po ang limang malalaking boxes na puno ng pre-loved items ng mga Kapuso TV Reporters," sulat niya sa caption.

Kinunan naman ni Raffy Tima ang mga taong nakiisa sa kanilang Fashion Ukay, na isang fund-raising event para sa kaibigan nilang sumasailalim sa hemodialysis.