Showbiz News

Miss Universe 2013 Gabriela Isler, gustong magkaroon ng talk show sa 'Pinas

By Aaron Brennt Eusebio

Gustong magkaroon ng sarili niyang talk show sa Pilipinas si Miss Universe 2013 Gabriela Isler.

Gabriela Isler

Isang ng TV host na sa kanyang home country na Venezuela kaya naman gusto rin niyang pasukin ang pagiging artista at host sa Pilipinas.

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang programa, gusto niyang maging guest si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“From a former titleholder to a new titleholder, why not?” saad ni Gabriela.

Pinuri rin niya si Catriona sa pagiging Miss Universe nito at laking tuwa naman niya nang malaman na ang glam team niya rito sa bansa ay ang parehong glam team ni Catriona.

“Now she's doing You C1000 commercial, I saw her first media week, she is looking impeccable, very beautiful. I think she did a great job with all the media [guestings].

“It is an honor [to have the same glam team as Catriona's.] You guys love your queens and you guys do all the best for them so having the same team is like, thank you.”

Panuorin ang buong panayam ni Gabriela sa report na ito: