Mag balik-tanaw sa mga pamilyang sinubaybayan natin noon.
Parte ng Mulintapang family sina Ronaldo Valdez, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Bea Binene at Gabriel Roxas sa sitcom na 'Bahay Mo Ba To.'
Ang 'Home Along Da Riles' ay tungkol sa buhay ng pamilya Kosme na nakatira malapit sa riles ng tren. Pinagbidahan ito ni late Comedy King Dolphy bilang Kevin Kosme, ang padre de pamilya. May anim siyang anak: Smokey Manaloto (Bill), Gio Alvarez (Bob), Claudine Barretto (Bing), Vandolph (Baldo), Boy 2 Quizon (Estong), Paula Peralejo (Bessie), at Nikki Valdez (Becky).
Si Aiai Delas Alas o Ina Montecillo sa 'Ang Tanging Ina' at ang kanyang mga anak na sina Juan (Marvin Agustin), Tudis (Nikki Valdez), Tri (Carlo Aquino), Por (Heart Evangelista), Pip (Alwyn Uytingco), Six (Marc Acueza), Seven (Shaina Magdayao), Cate (Serena Dalrymple), Shammy (Jiro Manio) at Ten-Ten (Yuuki Kadooka).
Naaalala n'yo pa ba ang pamilya Kabisote ng 'Okay Ka Fairy Ko?' Kabilang dito si Enteng Kabisote (Vic Sotto), Faye (Tweetie De Leon), Aiza Kabisote (Aiza Seguerra) at Amy (Ruby Rodriguez).
Ang iba't ibang henerasyon ng Chinese-Filipino family ng 'Mano Po' na may anim na kabanata.
Ang rebelasyon kung si Anna, Karen o Nina ang tagapagmana ng mga Monteclaro sa 'Anna Karenina' na pinagbidahan nina Krystal Reyes (Ana), Barbie Forteza (Karen) at Joyce Ching (Nina).
Ang unconventional family ng ‘Dading’ kung saan gumanap si Gabby Eigenmann bilang Carding o ang gay father ni Precious o si Zarah Mae Deligero.
Ang buhay ng pamilya Buena sa drama series na 'Buena Familia.' Ang padre de pamilya na si Arthur Buena (Bobby Andrews), ang kanyang asawa na si Betinna (Angelu de Leon) at mga anak na sina Celine (Kylie Padilla), Darling (Julie Anne San Jose), Edwin (Julian Trono) at Faye (Mona Louise Rey). www.gmanetwork.com