Showbiz News

LOOK: Enchong Dee happy to see 'Eat Bulaga' Dabarkads

By Bianca Geli

Nakisaya si Enchong Dee sa Eat Bulaga! studio at naki-bonding sa mga Dabarkads.

Janine Gutierrez, Enchong Dee, Jackie Lou Blanco, and Paolo Ballesteros

Sa kaniyang Instagram post, nagpasalamat ang aktor sa pag suporta ng Eat Bulaga! sa kaniyang upcoming film na Elise kung saan katambal niya ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Aniya, “Maraming Salamat sa @eatbulaga1979 sa masayang sabado at sa lahat ng dabarkads na nakisaya. Sana makanuod po kayo ng pelikula namin ni @janinegutierrez @jackielou.blanco sa February 6 ngayong Wednesday na po @regalfilms50 #Elise.”