advertisement
Showbiz News

13 Celebrity Good Samaritans

of 12

Dingdong

Pinangunahan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang #NowPHcampaign, isang environmental protection advocacy campaign. Bukod sa pagiging environmentalist, si Dong din ay ang Commissioner-at-Large para sa National Youth Commission. 

of 12

Ian

Kamakailan lamang ay tinulungan ni Ian de Leon ang isang batang nasagasaan ng motorsiklo. Nag-post naman sa Facebook ang ina ng bata, aniya: "The only one who came to the rescue of a total stranger, while all the other people just passed by and looked at my bloody 10-year-old helpless son who was alone when the incident happened. Such an act of kindness should be emulated by everyone! Not too many good samaritans around anymore. Please help me get in touch with him." 

of 12

Luis

Tinulungan din ni Luis Manzano ang isang lalaking nasaktan pagkatapos maaksidente. Ika ng lalaki, "Thank you to none other than [Luis Manzano] who came to my rescue and became the Good Samaritan. May God bless you a hundredfold." 

advertisement
of 12

Richard

Noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy, naging knight-in-shining-armor ni Cristine Reyes ang kanyang leading man sa pelikulang Patient X na si Richard Gutierrez. Pagkatapos ma-stranded ng aktres sa bubong ng kanilang bahay, dumating ang aktor na naka-speedboat para sagipin ang dalaga. 

of 12

Alcasid

Ang mag-asawang Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid ay palaging nagkakaroon ng benefit concerts para sa mgasinusuportahan nilang children organizations, kabilang dito ang World Vision. 

of 12

Tessa

Isa si Tessa Prieto-Valdes sa sumuporta sa Million Volunteer Run campaign ng Red Cross. Aktibo rin siya sa pag-suporta at sapagdo-donate sa Philippine National Red Cross. 

advertisement
of 12

Bianca

Si Bianca Gonzales ay isa sa mga ambassadors ng UNICEF, kasama siya sa mga tumutulong upang mapangalagaan ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo. 

of 12

Anne

Si Anne Curtis ay isa rin volunteer ng Philippine Red Cross. Tumutulong din siya sa mga programa ng UNICEF, kasama dito ay ang paglikom ng funds para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at ang paglalaan ng oras para sa pagturo sa mga batang nasalanta ng bagyong Yolanda. 

of 12

Karylle

Si Karylle ay sumusuporta sa maraming charitable organizations, kabilang dito ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS,) Child Haus, at ang White Cross Children’s Home. 

advertisement
of 12

Iza

Si Iza Calzado ay  isa sa mga ambassadors ng World Wide Fund for Nature (WWF-Philippines.) Ika ng Philippine president ng WWF na si Joel Palma, “Iza embodies the empowered Filipina who leads an active, healthy, and sustainable lifestyle. Plus, she’s actively involved in raising environmental awareness.”

of 12

Angel

Isa si Angel Locsin sa mga Ambassadors ng Philippine Red Cross. Ang aktres din ay personal na tumulong sa pag-pack ng relief goods para sa mga survivors ng bagyong Yolanda. 

of 12

KC

Very aware naman ang aktres na si KC Concepcion sa problema ukol sa kahirapan, kaya nga isa rin siyang National Ambassador Against Hunger para sa World Food Programme. Tumulong din ang aktres sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa tulong ng WFP. 

advertisement