Showbiz News

Kyline Alcantara feels blessed to have three shows on GMA

By Nherz Almo

Lubos ang pasasalamat ni Kyline Alcantara sa patuloy na pagbibigay sa kaniya ng mga bagong proyekto ng GMA Network.

Kyline Alcantara

Mahigit isang taon pa lamang simula nang lumipat sa Kapuso network si Kyline, pero tila hindi na siya nawalan ng proyekto simula nito.

Sa ngayon, may tatlong proyekto si Kyline sa GMA-7, ang Sunday Pinasaya, Studio 7, at ang upcoming afternoon drama na Inagaw Na Bituin.

“I'm really thankful and I feel so blessed na binibigyan ako ng network to do all of these things--performing sa Studio 7, showing my comedy side sa Sunday Pinasaya, and yun naman pong sa Inagaw Na Bituin, e, showing my actress side,” sabi ng 16-year-old actress.

Para kay Kyline, na graduate ng isang kiddie talent search show, matagal niyang hinintay na mabigyan siya ng ganitong pagkakataon.

“For me, hindi siya mabilis. It's really hard. It took me almost eight years just to be here,” sabi ni Kyline sa biro na mabilis ang pag-angat niya sa GMA-7 nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporters sa media conference ng Inagaw Na Bituin kamakailan.

Dagdag pa niya, “Well, in general po kasi, it's not easy, it's not mabilis, it's really hard.

“Kumbaga, nag-absorb ako ng so many rejections from so many people, nag-absorb ako ng napakaraming negative things from so many people.

“I'm very happy na I'm still here, stronger than ever.

“Now, I'm really eager and hungry in a good way 'cause you gotta be hungry, you know, para magkaroon ka ng init.”

WATCH: Kyline Alcantara, paano nagsimula ang hilig sa pagkanta?

Samantala, kahit halos sabay-sabay ang mga ginagawa niyang trabaho, siniguro ni Kyline na wala siyang bibitawang proyeto sa pagpasok ng Inagaw Na Bituin.

“Ako kasi, kapag may binibigay sa akin, katulad ng sinasabi ko sa management and sa handlers ko, 'Bigay lang po kayo nang bigay ng trabaho sa akin. Don't mind my sleep, I can manage it. I can manage my personal life basta bigyan n'yo lang po ako nang bigyan ng trabaho kasi ito yung hinintay ko.'

“This busyness, ito ang hinintay ko for so many years.

“That's why I'm really happy and I'm getting every single show.

“I don't want to drop anything, I don't want to drop any schedule para lang sa isang bagay,” pagtatapos ni Kyline.

IN PHOTOS: Stars ng 'Inagaw Na Bituin,' nagningning sa kanilang media conference