Showbiz News

WATCH: Jak Roberto, masasabi bang future wife na niya si Barbie Forteza?

By Aaron Brennt Eusebio

Isang matinding tanong ang ibinigay ng isang netizens kay Jak Roberto nang mag-guest ito sa Tonight with Arnold Clavio.

Jak Roberto

Kasama ni Jak mag-guest ang kanyang co-stars sa Kara Mia na sina Barbie Forteza, Mika Dela Cruz at Paul Salas.

Isang netizen ang nagtanong kung masasabi ba ni Jak na future wife na niya ang kaniyang girlfriend na si Barbie.

“Kung siya ang magbabayad," agad na sagot ni Barbie.

Seryosong sagot naman ni Jak, "Well, lahat naman po yung nagiging parte ng buhay ko, as in yung nagiging karelasyon ko, kino-consider ko na siya na talaga yung huli.

Pagkatapos ay napangiti niyang sinabi habang nakatingin kay Barbie, "Pag hindi nag work, ganun talaga. Pero pag nag-work.”

Balik-tanong ni Barbie, "So ako nga ba? 'Yun yung tanong e. Oo lang o hindi, sige na.”

Sagot ni Jak, “Oo naman. Oo naman.”

WATCH: Jak Roberto at Barbie Forteza, ano ang kanta sa isa't isa ngayong February?

Panuorin ang kanilang interview sa video na ito:


Abangan ang Kara Mia ngayong February 18 na sa GMA Telebabd.