What's Hot

READ: Sunshine Cruz calls out man over lewd private messages

By Nherz Almo
Published February 12, 2019 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nearly 300 Filipinos from Dubai arrive in PH amid Middle East tensions
Transient vendors seek space at Iloilo market
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News



Macky Mathay tells “virtual predator” of girlfriend Sunshine Cruz and her daughter, “WOMEN SHOULD BE RESPECTED AND NEVER DISRESPECTED.”

“Hindi sa lahat ng pagkakataon, mananahimik kami.”

Sunshine Cruz
Sunshine Cruz

Ito ang tila galit na sinabi ni Sunshine Cruz nang ipakita niya ang malalaswang mensahe na nakuha niya mula sa isang Instagram user na may pangalang @cheflorence_butcherchef.

Bukod kay Sunshine, kasama rin sa mga pinadala ang isang mahalay na mensahe, kung saan nabanggit ang anak ni Sunshine.

Kaya naman sabi Sunshine sa caption ng kaniyang post, “Papatulan ko 'to. Bastos masyado. Chef pa naman. @cheflorence_butcherchef umayos ka.”

Papatulan ko to. Bastos masyado. Chef pa naman. @cheflorence_butcherchef umayos ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mananahimik kami.

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Sa hiwalay na Facebook post, sinabi rin ni Sunshine, “Hindi ako madalas pumatol sa mga katulad mo pero may hangganan din ang pasensya ko.

“Tao lang din ako na nagtratrabaho ng maayos para sa mga anak ko.

“Ang anak ko na menor de edad huwag na huwag mo bastusin.

“Kung wala man silang tatay na maaaring magpoprotekta sa kanila, mas matindi ang mga nanay lalo na isang katulad ko na magpo-protekta sa mga anak ko na wala namang ginagawang masama sa kahit na sino.

“Tandaan mo 'yan Lorence Anthony Diola-Guardian.”

Idinaan naman ng naturang netizen ang tila sagot niya sa akusasyon ni Sunshine.

“It is hacked........,” sabi ni Lorence Anthony Diola-Guardian sa caption ng post niya, na screenshot ng Instagram.

Hindi kumbinsido ang aktres na si Sunshine sa post na ito ng netizen.

Ani Sunshine, “Kuya hindi kami pinanganak kahapon.. Bobo lang ang maniniwala sayo!

“You blocked me suddenly on instagram! Ang daming nagme message sakin na biktima ng kabastusan mo.

“You can't even message me. Instead you blocked mo on instagram. Ano na Chef?!

“Antayin mo report ko sa epilogue at Conrad Manila.”

Samantala, agad namang umaksiyon ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay at tinawagan ang pamunuan ng pinagtratrabahuhan ng naturang netizen.

Ayon sa post ni Macky, “I have talked to Ms. Liz Ubando, manager of Epilogue S Maison Epilogue PH at Conrad Manila and this VIRTUAL PREDATOR will be fired from his job and will be reported to the authorities so that he cannot victimize other showbiz personalities, private people and minors!!

“WOMEN SHOULD BE RESPECTED AND NEVER DISREPECTED!! Ang BASTOS mo and to think you have photos of your mother and lola in your Instagram feed!!”