Showbiz News

READ: Winwyn Marquez on breakup with Mark Herras: 'It was very matured, nag-usap talaga kami.'

By Nherz Almo

Tikom ang bibig ni Winwyn Marquez tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Mark Herras.

Winwyn Marquez

READ: Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras: "Yeah, I'm single right now."

Kasunod ng kaniyang pag-amin, hindi naiwasan ni Winwyn ang sunud-sunod na tanong ng entertainment reporters pagkatapos ng media conference ng pelikulang Time & Again kanina, February 14.

“It was actually a mutual decision. Kung anuman 'yung reason, sa amin na lang 'yun,” paulit-ulit na hiling ng 26-year-old Kapuso actress.

Ayon sa kaniya, ngayong taon lamang natapos ang dalawang taong relasyon nila ng 30-year-old actor.

“Basta it was a mutual decision,” muling sabi ni Winwyn.

“Nag-usap naman kami nang harap-harapan, hindi lang text-text na usual na siguro ginagawa ng iba.

“It's was a mutual decision and we just want to do our own things now.”

Wala rin daw drama nang magkahiwalay sila, sabi ng dalagang anak ni Joey Marquez at Alma Moreno.

“It was very matured [breakup], nag-usap talaga kami.

“Nag-usap kami, laid out lahat, lahat napag-usapan naming, walang away,” aniya.

Inusisa siya ng ilang reporters kung may kaugnayan sa kaniyang interes sa beauty pageants ang paghihiwalay nila ni Mark.

Agad na sagot ni Winwyn, “He's very supportive. Si Mark, he's very supportive naman sa lahat ng ginagawa ko.

“It's just that iba lang talaga siguro 'yung path naming ngayon, 'yung priorities namin, hindi lang kami talaga… Kumbaga, mas okay ngayon na magkahiwalay muna kaming dalawa.”

Aminado si Winwyn na hindi pa niya matukoy sa ngayon kung naka-move on na siya sa nangyari.

Aniya, “Actually, hindi ko rin masasagot 'yan kasi sakto rin na busy ako, e.

“Medyo fresh pa, so hindi ko alam kung nasaang stage… Stage ba 'yon?

“Hindi ko nga alam kung stage ba 'yon. Buti na lang ngayon, sobrang concentrated ako [sa work].”

Tumanggi rin siyang sagutin ang tanong kung wala na talagang posibilidad na magkaayos silang muli.

Sabi ni Winwyn, “Ayaw ko namang magsalita nang tapos, baka mamaya, bukas, magkabalikan na kami.

“Pero ngayon, parang hindi muna talaga.”

#SugatangPuso: Celebrity couples na tinapos ang relasyon