Showbiz News

WATCH: Comedienne Maey Bautista gets engaged on Valentine's Day

By Jansen Ramos

Engaged na ang comedienne na si Maey Bautista sa kaniyang long-time boyfriend na si Martin Inumerable. Isang sales manager si Martin at nagtatrabaho sa hospitality industry, base sa kaniyang Facebook account.

Maey Bautista


Sa Facebook post ng kanilang kaibigan na si Bong Lozano, emosyonal si Martin nang mag-propose ng kasal sa dating I Heart Davao star noong Huwebes, February 14.

Simple, sincere at walang halong gimmick ang naging proposal ng non-showbiz personality.

Hindi naman kaagad nakasagot si Maey at napayakap na lang sa ngayo'y fiancé na niya.

Congratulations, Maey and Martin!