Showbiz News

LOOK: Lava-inspired float na gagamitin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang homecoming

By Aaron Brennt Eusebio

Ipinakita ng artist na si Fritz Silorio kung ano ang magiging itsura ng float na gagamitin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas sa February 20.

Catriona Gray

Miss Universe 2018 Catriona Gray is coming home!

Magkaibang float ang gagamitin ni Catriona sa kanyang pag-iikot sa Maynila. Ang mas malaki ang gagamitin niya sa Manila at Makati at ang mas maliit naman ang gagamitin niya sa Quezon City.

Si Fritz din ang gumawa ng float na ginamit ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong umuwi siya sa Pilipinas.

Tingnan ang magiging itsura ng float ni Catriona sa video na ito: