Showbiz News

ALAMIN: Paano nagsimula ang love story nina Jak Roberto at Barbie Forteza?

By Aaron Brennt Eusebio

Ikinuwento nina Jak Roberto at Barbie Forteza kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Jak Roberto at Barbie Forteza

Nang mag-guest sila sa Tonight with Arnold Clavio, napaamin sina Jak at Barbie na ikuwento ang pagsisimula ng kanilang relasyon.

"Bago matapos yung Meant to Be, doon 'yon nag-start na in-invite ko na siya para manuod ng sine, kumain sa labas," kuwento ni Jak.

Magkasama sina Jak at Barbie sa Meant to Be kung saan nakasama rin nila sina Addy Raj, Ken Chan at Ivan Dorschner. Ang nakatuluyan ng karakter ni Barbie sa serye ay si Ken Chan.

"Matagal na [siyang nagparamdam ng interest]," pag-amin ni Barbie.

"Meron kaming ginawang indie film, yung Laut tapos nasa Pampanga kami noon tapos mamaya may inaabot siyang chocolates. Sabi ko, 'San mo nabili to? Nasa Pampanga tayo san mo nabili 'yan?,'" kuwento ni Barbie.

Inamin naman ni Jak na sinadya niyang binili ang chocolate para kay Barbie dahil sobrang bait nito.

"Siya kasi yung una kong naka-trabaho na artista sa GMA. Nabaitan ako sa kanya tsaka very approachable, hindi suplada," ani Jak.

"Parang hindi mo mararamdaman na baguhan ka sa industriya, parang kung i-treat ka niya, matagal na kayong magkakilala.

"Parang tuwing magkikita kami, inaalok ko na siya ng kape, matapos minsan may pa-fit bar ako sa kanya.

"Kung ano yung alam kong diet, shineshare ko na sa kanya."

Kahit na todo effort na si Jak, aminado siyang hindi siya ang iniimagine ni Barbie na magiging boyfriend.

"Kahit naman po nag-start kami ng Meant to Be, alam ko naman po na hindi talaga ako yung parang iniimagine niya na magiging future boyfriend, hindi ako yon," ani Jak.

"Dinaan ko sa slowly but surely."

Panuorin ang buong interview ni Arnold Clavio kina Jak at Barbie sa video na ito:

Bibida sina Jak at Barbie sa Kara Mia kasama sina Mika dela Cruz at Paul Salas.

Abangan ang world premiere ng Kara Mia sa Lunes, February 18, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras!