Showbiz News

Celebrity friends ni Winwyn Marquez, todo suporta sa 'Time & Again'

By Aedrianne Acar

Mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong araw, February 20 ang romantic film na pagbibidahan ng 2017 Reina Hispanoamericana titlist na si Winwyn Marquez at StarStruck alum Enzo Pineda na Time & Again.

Winwyn Marquez

#SugatangPuso: Celebrity couples na tinapos ang relasyon

Todo din ang suporta ng celebrity friends ni Winwyn para sa movie project nila ng former Kapuso actor.

Ilan sa nag-promote ng kanilang pelikula ay sina StarStruck Ultimate Male Survivor Steven Silva, The Philippine King of RnB Jay R, Kris Lawrence at reigning Miss Eco International 2018 Thia Thomalla.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Enzo Pineda kay Direk Joey Reyes para sa pagtitiwala nito na magampanan niya ang kaniyang role sa Time & Again.

Winwyn Marquez and Enzo Pineda to star in romantic film 'Time & Again'

“Thank you, direk @direkjoey and @regalfilms50 for entrusting me this fun and loving character. Congrats sa lahat bumubuo ng pelikulang ito, napakahusay ninyong lahat. #regalfilms50”