Showbiz News

Dear SiS

When you’ve got problems of the heart, or any problems at all—you can count on your favorite morning buddies for some advice! Join the SiS hosts as they, and their guests, give advice on affairs of the heart. Dear Sis, Hello Janice, Gelli at Carmina, ako po si Anna. Matatawag ko po ang sarili kong isang totoong martir. Lahat kasi yata nagawa ko na dahil sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko. Kahit maganda ang trabaho ko noon, nagresign ako matapos naming ikasal dahil mas gusto niyang sa bahay na lang ako. Nang ma-destino siya sa Bicol, pumayag akong iwan ang buhay sa Manila at ang mga magulang at kaibigan ko para lang sumama sa kanya at ‘di siya mag-isa. Sa madaling salita, sa kanya na lang umiikot ngayon ang buhay ko. Kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko ngayong marami akong naririnig-rinig na may ibang babae raw ang mister ko. Minsan kasi ito ang nagiging takbo ng biruan nila ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho. At may mga nababanggit din sa akin ang ilang kakilala namin na nakikita nga raw siyang may kasamang ibang babae. Ilang beses ko na rin tinanong ang asawa ko tungkol dito, pero madalas tinatawanan niya lang po ako sabay iwas sa pagsagot kung totoo nga ba o hindi. Mas minamabuti ko na lang na isantabi ang suspetsa ko. Pero kung sakaling totoo po ito, hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Payuhan niyo naman ako mga SiS, mahal na mahal ko po ang asawa ko at ayoko pong masira ang pagsasama namin dahil dito. Mrs. Anna Eugene Domingo: Itago natin siya sa pangalang Anna, Mrs. Anna. Mrs. Anna, nalaman mo na meron siyang ibang babae? Gelli de Belen: Hindi pa nga siya sure! Eugene: Sorry, sorry. Ako ang hindi sure. Pasensya. Okay. Hindi sa sure, pero kung may kutob ka—‘di ba kadalasan ang babae may kutob, tama? Tsaka may nagsabi sa kanya na nakita niya may kasama nang ibang babae. Tsaka sinabi niya na 'yung buhay niya umiikot na lang doon sa lalaki, tsaka mahal na mahal niya. Mahal na mahal mo pala e, e di magtiis ka. (Laughs.) Hindi, hindi, hindi. Ibig kong sabihin doon, kung nahihirapan ka na, kung hindi mo siya maprangka, kung may problema ba—ano ba ‘to, may pupuntahan pa ba ito? Hilong-hilo na ako dahil ang buhay ko, iniikot ko na lang sa buhay mo. Nasa sa iyo yan, Mrs. Anna! Kung gusto mo pang magdusa e di magtiis ka! Kung mas mahal mo ang sarili mo, gusto mo pang mas lumigaya, mahal mo ang pagkababae mo, ay hiwalayan mo na! Gelli: Diretsong-diretso! Benjie? Benjie Paras : May anak na ba sila? Gelli: Wala siyang sinabi? (Pause.) Sana bilisan mo. (Laughs.) Carmina Villaroel : Live tayo, baka umabot pa tayo sa Eat Bulaga, wala ka pang payo. (Laughs.) Benjie: Hindi naman kasi sigurado eh. May nagsabi lang eh. Narinig niya, tinutukso ng mga friends, so wala pang confirmation na talagang—so dapat talaga, siya mismo ang makakita. ‘Wag siyang makikinig. Siya na mismo ang mag-imbestiga. Pag nakita niyang meron talaga, tsaka siya sumulat dito. At least doon, na-confirm na niya na nakita niya, nahuli niya. E ngayon wala pa eh. Sulat ka na lang ulit kapag nahuli na talaga na meron. Janice de Belen: Nauunawaan namin Anna, kung gaano mo kamahal ang mister mo at mas makakabuti siguro kung ikaw mismo alamin mo kung ano ang totoo, sa halip na nakikinig ka lang sa sabi-sabi ng iba. Dear SiS, Magandang umaga po SiS Carmina, Janice at Gelli. Natutuwa po ako na kahit papaano ay nagkaroon ako ng pagkakataong makasulat sa inyo para makahingi ng kaunting tulong sa problema ko ngayon. Noong isang buwan lang po nang ikasal kami ng asawa ko. May halos isang taon din po kaming nagsama bago natuloy ang kasal namin. Hindi po boto sa akin ang mga magulang ng asawa ko at malaki na ang pagtutol nila sa relasyon namin mula pa ng simula. At nang hindi na niya matiis ang pagpipilit ng mga magulang niya na makipaghiwalay na sa akin, nagpasya po siya na lumayas na sa puder ng mga magulang niya at magsama na kami. Pinadalhan namin sila ng imbitasyon sa kasal namin pero hindi sila pumunta. Ilang kamag-anak ang nakapagsabing hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nila dahil mas pinili ako ng anak nila kaysa sa kanila. Alam ko pong nasaktan ang asawa ko sa 'di pagdalo ng mga magulang niya sa kasal namin. At 'di niya man sabihin, alam kong sobrang nalulungkot siyang hindi pa rin ako tanggap ng mga magulang niya. Kaya naman umiisip ako ng paraan ngayon kung papaano maayos ang lahat. Meron po ba kayong maipapayo sa akin mga SiS kung ano ang pwede kong gawin para matanggap na ako ng mga magulang ng asawa ko? Janette of Tarlac Camille Prats: Hindi kasi, heto lang po 'yung napansin ko ‘no: kasi siguro sa mga bagong mag-aasawa, kapag kasi lalaki 'yung anak mo, tapos siyempre may asawa na, usually ang feeling kasi nung mommy, may iba nang pumalit sa buhay ng anak niya, na 'yung dating ginagawa niya, napalitan na ng ibang babae. So may selos factor. So feeling ko, those could be the reason why hindi nila siya gusto, or hindi nila siya matanggap. Pero siguro the best thing to do, since umalis na sila, malayo na sila, wala na silang communication with the parents of the guy, siguro dapat magpakumbaba ka. Ikaw 'yung lumapit, ikaw 'yung sumuyo, kasi kailangan yun eh. Importante na mahalin ka nila at mag-effort ka na gawin yun, para mapahal sila sa’yo. And ipakita mo sa kanila na kaya mong alagaan 'yung anak nilang lalaki at hindi mo siya pababayaan. Keempee de Leon: Hindi naman perpekto ang buhay talaga eh. Kumbaga, may advantages and disadvantages yan. I guess 'yung sinabi ni Camille, I agree with that. Kailangan magpakumbaba ka, kailangan kung alam mong hindi ka mahal nung magulang ay there’s such a thing as perfect timing. Ika nga, 'yung sinasabi ay God’s timing, sinasabing ang lahat ng bagay will fall into place, kailangan mag sakripisyo ka lang; kailangan lang magpakumbaba ka; kailangan medyo tiisin mo; ikaw na ang gumawa ng paraan since mahal mo naman 'yung asawa mo. Darating 'yung time na mamahalin ka rin ng magulang niya. Janice: Minsan oras lang talaga ang makapagsasabi kung kailan humihilab ang sugat ng 'di pagkakaunawaan. Ang mahalaga ngayon ay kahit papaano ay mapatunayan niyo ng mister mo na kahit na ano pa ang mangyari, handa niyo ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Hear more sound advice from your morning buddies! Catch SiS every weekday mornings before MariMar, only on GMA-7! And talk about the show afterwards at the iGMA Forums for the schedule! If you’re not yet registered, register now! You might even get the chance to chat with your idol!