Showbiz News

Chef Boy Logro, ibinahagi paano maging cool at disciplinarian na ama

By Maine Aquino

Paano nga ba maging ama si Chef Boy Logro?

Chef Boy Logro

Kuwento ng celebrity chef sa kanyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? ay isa siyang cool na ama pero strict pa rin sa pagdidisiplina sa kanyang mga anak.

Ani Idol sa Kusina chef, "Kailangan ibalanse mo eh. Kumbaga parang alon, sumunod ka lang. Hindi mo puwede salungatin ng madalas. Minsan lang para matuwid."

Dahil nga sa kanyang style of parenting ibinahagi niya na bata pa lamang ang kanyang mga anak ay tila inidolo na siya sa pagiging eksperto sa kusina.


Kuwento ni Chef Boy, "Mga anak, ko they followed my footsteps; they are all chefs. nine years old, marunong na sila gumawa ng poached eggs. Mayroon akong parang maliit na kalan."

Hindi lamang sa pagiging chef naging supportive ang Kapuso personality dahil kanya ring binigyang pansin ang pagkakahilig ng kanyang mga anak sa musika.

Saad niya, "You have to equip them with everything. Like mga anak ko, gusto nila music so bumili ako ng banda, gitara... kahit sintunado. Pero ngayon they are good musicians."

Sunshine Dizon, Chef Boy Logro, Joel Cruz share ways to discipline children | Ep. 18