Showbiz News

WATCH: Ruru Madrid, David Licauco challenge online sensation Dante Gulapa in dance showdown

By Nherz Almo

Kumasa sa hamon ng Toda One I Love actors na sina Ruru Madrid at David Licauco ang kasalukuyang online sensation na si Dante Gulapa para gawin ang trending “Kahit Ayaw Mo Na” dance challenge.

Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo, February 24, tinuruan ng tinaguriang Big Daddy o Big Papa ng social media ang leading men ni Kylie Padilla ng kaniyang sexy dance steps na tila naggi-glitch o nagha-hang.

Ruru Madrid, Dante Gulapa and David Licaoco

Sa panayam ng KMJS, inamin ni Dante na dati siyang macho dancer.

“Hindi po ako nahihiya na ganun kasi wala naman po akong ginagawa, nagsayaw lang naman ako. At saka, alam ko naman po kung ano 'yung bawal sa hindi,” sabi ni Dante.

Dagdag pa niya, kaya raw niya ito nagawa noon, “Para po sa pamilya ko kasi talagang nabaon po kami sa utang, talagang sagad na sagad po kami.

“Talagang wala po kaming makuhanan ng pagkain, pati pambayad ng bahay, tubig, at ilaw.”

Bagamat madalas mag-trending, matindi ang pagtutol ng asawa ni Dante sa kaniyang pagpo-post ng kaniyang viral videos.

Ayon kay Emilyn Gulapa, na aminadong nagtrabaho din noon sa club, “'Yang mga ginagawa niya na 'yan, against talaga ako. Number one, puro babae ang mga anak ko kasi, nasasagwaan ako.

“Kaya nagtaka ako kung bakit siya sumikat ng ganyan. Hanggang sa isang araw, dumating na napagod na rin ako. Pinabayaan ko, 'Bahala ka sa buhay mo. Buntot mo, hila mo.'”

Sa ngayon, katuwaan na lang daw ang paggiling ni Dante, “Nakahiligan ko na lang din.”

Panoorin ang dance showdown nina Ruru at Licauco kasama si Dante sa video na ito: