Showbiz News

Alessandra de Rossi, nagbabalik-GMA; unang mapapanood sa Wish Ko Lang

By Nherz Almo

Tampok ang nagbabalik-Kapuso na si Alessandra de Rossi sa “Homecoming” episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, March 2.

Alessandra de Rossi

Bibigyang-buhay ng award-winning actress ang kuwento ng sumulat sa Wish Ko Lang, na itatago natin sa pangalang si "Sheryl.”

Ang kuwento ng episode ay tungkong sa kakaibang "homecoming" na naranasan ni "Sheryl.”

Matapos ang ilang taong mala-impyernong buhay sa kamay ng kaniyang amo sa Maynila, kung saan siya kinukulong sa kulungan ng aso at madalas ay inginungudngod pa sa inodoro, muli siyang magbabalik sa kanilang probinsya sa Cebu.

Hindi niya inaasahan na isang trahedya ang sasalubong sa kaniyang pagbabalik.

At sa halip na salubungin at yakapin ng kaniyang ina at kapatid, itatakwil pa siya at hindi paniniwalaan ng kaniyang mga kapamilya.

Samantala, kung gaano kabigat at ka-drama ang kuwentong gagampanan ni Alessandra sa Wish Ko Lang, siya namang init at saya ng muling pagtanggap sa kaniya ng kaniyang Kapuso fans at mga katrabaho.

Abangan ang award winning performance ng award winning actress na si Alessandra de Rossi ngayong Sabado 4:10PM sa Wish Ko Lang pagkatapos ng Tadhana!