Showbiz News

WATCH: Patricia Javier, naghahanda na para sa Mrs. Universe 2019

By Jansen Ramos

Puspusan na ang paghahanda ni Genesis Canlapan-Walcher o mas kilala sa kaniyang screen name na Patricia Javier para sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa Agosto sa South Africa.

Patricia Javier

Si Patricia ang napiling kinatawan ng bansa matapos koronahang Mrs. Universe-Philippines Finest Woman noong September 2018. Ang Mrs. Universe ay isang beauty pageant for married women.

Bagamat ilang buwan pa bago sumabak sa kompetisyon ang sexy actress, naabutan ng Tunay Na Buhay si Patricia na abala sa pagsasanay sa tulong ng pageant coach na si Rodgil Flores.

Kwento ni Patricia, "Dati nu'n parang, ano, sariling sikap, di ba? Walang gan'to na [may] nag-te-train sa'yo."

Marami-rami na ring siyang nasalihang beauty pageant pero ngayon lang siya nagkaroon ng korona kung kailan pa siya may asawa at mga anak na.

Ani Patricia, "Sobrang grateful. Sabi ko, 'kung kelan ako naging mommy 'tsaka ako nakakuha ng magandang title,' 'di ba?

Sabi pa ng 43-year-old beauty queen/actress, "Parang iniisip ko lang, maybe this is a God's will for me, everything happened for a good reason. The way I look at it, siguro this is my time dahil I don't stop ever since I'm always joining 'yung mga pageant."

Panoorin ang buong panayam ng Tunay Na Buhay: