Showbiz News

Patricia Javier won't compete in Mrs. Universe 2019 anymore

By Nherz Almo

“I'm sad because I'm not representing the Philippines for Mrs. Universe.”

Patricia Javier

Ito ang malungkot na ibinalita ng aktres na si Patricia Javier sa ilang piling entertainment media kanina, September 20.

Ayon sa aktres, kinailangan niyang mas piliin ang pamilya kaysa korona.

“Kasi po, para po sa akin kasi family is always first.

“Nagkataon po na yung mga schedule po namin at ng pageant po, tumama po sa Christmas, yung Mrs. Universe, December 22 hanggang New Year po.”

LOOK: Patricia Javier crowned as Mrs. Universe Philippines

WATCH: Patricia Javier, kinoronahang Mrs. Universe-Philippines

Taun-taon daw kasi ay nagpupunta si Patricia, asawa niyang si Dr. Robert Walcher, at kanilang mga anak sa Amerika para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya ng kanyang asawa.

Sa kasamaang palad, tatamaan daw nito ang mga araw ng kumpetisyon para sa Mrs. Universe 2019.

“Sabi ko, if ever na sasali ako roon, mami-miss ko yung mga activities namin ng family ko.

“And every December is our wedding anniversary din.

“So, sabi ko nga, ano kaya ang pipiliin ko, the crown or family?

“So, this time, because I'm already a mother and I'm already a wife, I always choose my family first.”

Gayunman, masaya si Patricia dahil may dumating na pagkakataon para i-represent pa rin niya ang Pilipinas sa isa pang beauty pageant for moms, ang Noble Queen of the Universe na gaganapin sa December 1.

Aminado si Patricia na simula nang manalo siyang Mrs. Universe Philippines noong 2018, madalas na siyang natatanong, “Bakit nagpa-pageant ka pa?”

Sagot ng celebrity mom, “For me kasi, because of advocacy naming mag-asawa, about wellness po kasi, naisip ko lang po na kung sumali ako sa mga ganitong pageant, mas maririnig po kami ng mas maraming tao.

“I also want to share my knowledge about different views in life through my experience po.

“Hindi porke tayo ay nanay na, wala na po tayong puwedeng ibang gawin bilang isang woman.

“Yun lang po yung parang isa pa pong gusto kong iparating sa kanila, na parang if you have dreams, puwede pa rin pong mangyari 'yon habang may buhay po tayo.”

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com, binigyang diin niya ang malaking tulong ng pagkakaroon ng titulo para maisulong ang kanyang outreach programs.

Aniya, “For me, lalo na ngayon, yung mga ginagawa kong outreach program, very important sa akin 'yon.

“So, parang nakita ko na parang kapag mayroon kang title, it's so easy to ask, mas maririnig ka ng ibang tao, para mas makatulong sila.

“Kasi, alam mo naman dito sa atin, sorry to say, pero kapag wala kang title, parang ang hirap.

“Unlike kapag may title ka, sasabihin mong, 'There's a program like this, baka gusto n'yong tumulong,' mas madali silang mag-support.

“Para lalo akong makatulong sa mga kababayan natin.”

Muli rin niyang nabanggit ang paghihikayat sa mga kapwa kababaihan na panatilihin ang kanilang self-identity kahit kasal na.

Aniya, “Yung life ko is an open book for everybody, i-Google lang nila ako, makikita na nila.

“Yung buhay ko is not always up, I also have down moments in my life.

“Gusto kong mahikayat ang mga kababaihan na habang may buhay, kailangan you don't stop, lagi tayong may pag-asa.

“Kung mommy ka na, huwag mong isipin na mawawala yung identity mo.

“Kailangan mayroon ka pa ring self-identity, huwag mong aalisin 'yon sa sarili mo. Ito, para rin maging aware ang mga mommies, ang mga kababaihan na huwag nilang pababayaan ang mga sarili nila--physically, mentally, emotionally, and spiritually.

“Dapat kasi balanced in life. Parang I wanna encourage women to always stand in their own feet. They should love themselves.”

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Patricia sa suportang ibinibigay sa kanya ng asawa niyang si Rob, na kilalang chiropractor dito sa Pilipinas.

“He's one of the best persons na ibinigay sa akin ni God talaga. Dahil sa kanya, hindi lang likod ko ang na-straight, buong buhay ko.

“Di ba, chiropractor ang asawa ko, pero hindi lang yata ang liko ko ang na-align niya, kundi pati buong buhay ko.”